The Fire Between (3)
🌻🌻🌻
ATCHET POV
NAGLALAKAD kami pauwi ni Boss Chris. Syempre, tahimik lang ako. Feeling ko kasi, broken si Boss Chris. Harhar! Buti nalang ako chill lang. First time ko nga pala mag POV tee hee hee~ napangisngis ako.
Biro lang, bumili kasi kami ng monay ni Boss Chris, bigla kasi nyang naging paboritong pagkain ang monay. Sabi nya noon may naalala raw sya don pag kinakain nya yon, feel na feel pa nya talaga. Ewan ko talaga kung matutuwa ako o hindi.
Madilim na'rin ang gabi at kaya sya bumili ng mga tinapay, crackers at beer ay dahil aalis na daw sya sa makalawa. Limang buwan raw sya mawawala. Bilang kapit bahay slash taga hanga slash tropa nya. Nalulungkot ako syempre.
Actually, ang daldal ko kasi nga first time ko mag POV. Grab the opportunity and spread the love. Magkukwento ako, tutal matagal pa naman kami makakapunta ron kila Abnoe, birthday nya kase!
So ayun na nga, matagal na saming nakabantay si Chris, sabi nya nung unang araw nya dito samin habang nakatambay kami sa tindahan. Wag raw namin sayangin yung buhay namin. Wag raw kaming magpalaki ng itlog.
Hays, hindi nya kasi alam ang feeling ng may itlog, sa isip isip ko non. Ayaw ko namang mas malaki pa ang itlog ko sa aking *toot*. Oh men! Nakakahiya sa syota ko.
"Atchet."
Napatigil ang aking pagmomonologue ng tinawag ako ni Boss Chris, diretso lang ang tingin nya actually.
"Hmmm?" tinatamad talaga ako magsalita, actually.
"Wala. Ge tuloy."
Actually, di ko malaman kung papansin lang si Boss Chris o nagkaroon na din sya ng saltik galing kay Pingot. Ituloy na nga natin. Nasan na nga kasi ako? Nasa itlog.
Ayon na nga, pagtapos non lagi nya kaming sinasama para magkaraket raw kami para kumita kami kahit papaano. Hindi naman din kasi kami nakapagtapos ng pag-aaral kaya mahirap ang buhay. Pero kami, may mga magulang pa kami, si Boss Chris, wala. Ang gusto ko lang iparating, parehas naman kaming mahirap, pero ako, may mga magulang pa, sya wala na, pero biruin mo, nakapagtapos sya ng pag-aaral.
Kaya nga malaki ang respeto ko sa kaniya kasi tinutulungan nya kami. Ako namang si Atchet na tambay lang dati, janitor na ngayon sa munisipyo! Actually, pamilyar na pamilyar ako sa munisipyo, madalas kasi akong magnakaw nung teenager pa ko hehe, ayon nahuhuli, minsan na rin akong nahuli ni Boss Chris kaya hindi nya ako pinansin ng isang buwan.
Nagulat nalang ako pag uwi ko ng bahay sabi sakin ni Nanay nagdala raw doon si Boss Chris ng groceries. At nung isang araw, tinanong nya ako kung gusto ko raw ba mag aral, sabi ko naman, oo sana pero mahirap lang talaga kami hindi kaya ni Nanay, pero ang sagot nya, 'walang mahirap sa nagsisikap' 'diba gusto mo maging sundalo.' totoo yon, tapos inabutan nya ako ng sobre na may lamang pera, at sinabi nya na ipasa ko raw yung Scholarship kay Governor at sa University. Kaya mula noon, mas tumaas pa ang respeto ko sa kaniya, wala akong pake alam kung tomboy sya o ano, basta mabuti syang tao, period.
Akala ko kasi nung una, kapag mga tomboy o bakla, salot sa lipunan pero mula nung makilala ko sya saka yung mga kaibigan nya, nabago ang pananaw ko sa kanila kasi, kahit ano pang kasarian mo, tao ka pa din, karapat dapat respetuhin.
Nga pala, medyo malapit na kami sa barangay namin, ngunit nasipat ko ang isang batalyong mga gangster na mga mukang bayag sa daan kasalubong namin. Napahinto kami ni Boss Chris ng harangin kami ng mga maamgas, di naman ako natatakot, Pulis kasama ko noh.
"Ano yang dala nyo?" sabi ng leader nilang mukang bayag na lamog.
Whew~ ang mga walking gangster balls. Siga ang nga ito sa lugar namin, laging naghahasik ng lagim at lagi nilang tinatarget ang mahihina. At mukhang gulo ito.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...