CHAPTER 22

1.4K 81 18
                                    

The Fire Between (2)

So If u guys want more stories like this, I'll definitely write as u wish. Habang tumatagal 'to. Isa isa ko na 'rin silang ibubunyag para sweggg. 

🌻🌻🌻

Earlier that day...

"At saan naman ako kukuha ng 70,000 mga sisters?" malungkot at problemadong tanong ni Bettina sa mga kaibigan.

Pansamantala nilang isinara ang kanilang Salon. Nasa Park sila, kung saan pinilit paaminin ni Bettina si Chris.

"Handa akong magbigay sis, basta ibigay mo rin sakin si Daks." iniugoy ng malakas ni Shakira ang duyan nyang sinasakyan at tumawa ng malandi.

Sinaktuhang batukan ni Pat si Shakira, "Hwag ang inaanak ko maharot ka!"

"Arouchie!"

Humugot ng pera si Eva sa wallet, "Ito sis oh, 3k. Gipit din kasi ako ngayon dahil nagbayad ako ng tuition ni bunso." inabot niya iyon kay Bettina.

Kinuha rin ni Pat ang sobre sa kaniyang bag, "Ito din sis, 20k. Hindi pa ako binabayaran ng gago na Tony na yon eh. Pati yung motor hindi pa sinosoli ng hayop." nagsimulang kumulo ang dugo ni Patricia at kamuntik ng malukot ang sobre kaya kinuha na iyon ni Bettina.

Tumayo si Shakira sa duyan at pinagtawanan ang kaibigan,
"Ayan kasi kung magmahal binibigay lahat. Kaya pagwala ng mapipiga iiwanan na. Hahaha! Weak!" halos makita nila ang ngalangala ng bakla sa katatawa.

Sinapok sya ni Pat, "Alam mo di ka nakakatulong, Kiray. Palibhasa walang nagkakagusto sa'yo, kasi ang chaka mo!"

Napahawak ng ulo si Shakira, "H-Hoy! Ang chaka mo 'rin kaya ka iniiwan! Isa pa, may nagkakagusto rin naman sa'kin. Di ko nga lang bet!" inarapan nya si Pat at dinukot sa bulsa ang kaniyang ambag, "5k, sis. Nagbayad kasi ako ng renta sa apartment. Bwisit na landlady na'yon singil ng singil."

Walang pakundangang kinuha iyon ni Bettina, "N-Nakakahiya naman sa inyo."

"May hiya ka pa ba talaga Bettina?" umikot nanaman ang mata ng walangyang si Shakira.

Tsitsinelasin na sana sya ni Pat nang pinigilan lang ito ni Eva, "Bubusalan ko ng sintas ng sapatos bunganga neto eh!"

Gustong matawa ni Bettina, kailangan nya talaga ng pera ngayon. Naubos yung ipon nya sa pagpapagamot sa bwisit na Guinniverse na iyon.

"P-Pero salamat nga mga sis. Nahihiya talaga ako, slight. Saka, baka hindi ko kayo mabayaran agad. N-Nasunugan pa kami." niyakap nya yung mga pera ng mga bakla at napabuntong hininga.

Nilapitan sya ni Pat, "Ay nako Sis, sa'kin muna kayo tumuloy wala naman ang mga vakla kaya mga 1 week lang." niyakap sya nito, "Saka h'wag mo munang alalahanin kung pano ka makakabayad. Isipin mo muna kung pano ka makakabangon ulit." natouch naman si Bettina sa kaniyang sisters.

"Truth." sang ayon ni Eva.

Umupo si Shakira sa lamesa, "Paghatian na natin, sakin na yung mga hombres hehe. Ako nang magpapakain sa kanila." pumalakpak pa ito.

"Baklang mahadera!"

Umiling si Bettina, "Wag na, ako nalang ang bahala doon. Salamat talaga. Ang laking tulong nito sa pambayad sa hospital."

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon