CHAPTER 54

981 49 11
                                        

The two sateigashira and a kobun (2)

🌻🌻🌻

"Anak ka ng nanay mo!" bulalas ni Chief, "Ngayon lang kita nakitang nagmukhang tao ng kaunti, Bulbul." seryosong papuri nya kay Boss Ponky.

Nakabihis sila ng itim na long sleeves na pinatungan iyon ng leather jacket, leather gloves saka itim na combat boots silang dalawa, Parehas din silang puro salonpas sa likod dahil sa paglaban nila. Umayos nga naman kasi ang itsura ni Boss Ponky at hindi ito mukhang gusgusin at ermetanyo. Nakapony ang buhok nito pati ang bigote, napagtripan ni Chris at Chief kasi iyon.

"Punieta ka." sinampal nito sa bunbunan si Chief, "Ikaw kumintab lalo sa suot mong KKK ka." pagbawi nya kay Chief at naiinis na inalis ang pony na bigote nya.

Humarap sya sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kitang kita ni Chris ang pagf-feeling pogi nito. Halos alas otso na ay nagagawa pa nitong magfeeling.

Hinaplos ni Chief ang kaniyang bunbunan, "KKK?" tanong ni Chief, "Kataas taasang kagagalang galangang katipunan ng bayan?"

Napairap si Boss Ponky, "Tanga." aniya at itinuro ang ulo nya, "KKK para sa katulad mong Kalbo, Kinis, Kintab." sabi nito.

Napatawa si Chris na di oras, kahit kailan talaga ay malakas mang asar si Boss Ponky, tinignan sya ng masama ni Chief.

"Tinatawanan mo ba ako bata?" masungit nitong tanong sa kaniya.

Umayos ng tayo si Chris at tumikhim, "Hindi po, Chief." sagot nya at tinakpan ang bibig.

Tinabihan sya ni Boss Ponky, "Bunso, aminin mo na sa kaniya na mukha syang ninja turtle sa suot nya." naaasar nitong pinagmasdan si Chief.

Nanlaki ang butas ng ilong nya, "Pfft!"

Nagtangis ang panga ni Chief at inambaan sya ng suntok, "Kuso yoru!" Bastard!

Nagtago si Boss Ponky sa likod ni Chris dahil sumasakit ang likuran nya, "Ikaw unang nanglait ha." sabi nya dito, "Sasampalin ko 'yang bunbunan mo, subukan mo." pagbabanta nya pa.

Huminga ng malalim si Chief at kinagat ang labi, "Sobra sobra ka manglait!" aniya at humawak sa dibdib, "Tagos na tagos."

Tumaas ang kilay ni Boss Ponky, "Sa bunbunan mo?"

Napapikit ng mariin si Chief at pinadaan ang kamay sa kalbo nyang ulo, "Pigilan mo ako, bata." mahinahong sabi nya at dinuro si Boss Ponky, "Tatanggalan ko ng bulbul 'to! Tangina ka! Asset ko 'to! Asset!" nanggigil nyang itong nilapitan habang tinuturo ang kalbong ulo ngunit napigilan ni Chris si Chief sa mukha.

"Sa'kin na lang kasi kayo magfocus mga master." sabi nya at nag pose, "Pogi ba ako?"

Nakasuot si Chris ng kulay itim na nike black long sleeves, black cargo pants, black combat boots at black shades. Sumandal sya sa lamesa ni Chief at inangat ang salamin patungong ulo.

Inismiran sya ng dalawang ginoo, "Bunso, tigilan mo ang ilusyon." sabi nito sa kaniya habang hinihimas himas ang balbas, "Noong kabataan ko, pinaglalawayan ako ng mga moe sa Japan." Hot Chicks

"Pinaglalamayan." pagtatama ni Chief at nag ambaan silang dalawa kaya pinigilan sila ni Chris sa mukha.

"Oh! Stop na mga lods." sabi niya at nagbuntong hininga, "Wala ba kayong masasabi sa'kin?" dismayado nyang tanong sa dalawa at inilagay ang salamin sa round neck nyang long sleeves

"Wala." tinatamad na sagot ni Chief at naging abala sila sa pag aayos ng suot sa kaniya kaniyang salamin.

Bumagsak ang balikat ni Chris, "Po?"

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon