We meet again (3)
🎵 Close to you 🎵
🌻🌻🌻
BETTINA POV
"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE!"
Napapalakpak ako at pasimpleng pinunasan ang luhang pumatak mula sa mata ko. Natouch naman ako sa balikan ng promises ng mag-asawang nasa altar ngayon. Matagal ko na ring pinapangarap na maikasal sa taong magmamahal sa akin ng buong buo. Iyon bang tanggap kung sino at ano ako. Iyong ipapagmalaki ako at ipagsisigawan sa buong mundo na mahal nya ako. Iyong mamahalin ako kahit bakla ako.
Sa mundong ginagalawan natin ngayon, umaasa kaming mga bakla na makaranas ng tunay na pagmamahal. Hindi yung minamahal ka lang nya dahil sa pera mo at may kailangan sya sa iyo o mas madaling sabihin na mahal lang nya ang pera mo. Gusto naming maramdaman na hindi ikinakahiya saan man kami magpunta at iiwanan ka din pagkatapos makuha ang kayamanan mo.
Bilang isang bakla, masakit makaranas ng diskriminasyong galing sa kapwa mo, pero mas lalong masakit kung galing sa sarili mong pamilya. Ang pagtakwil at pagmamaliit nila sa'yo. Sobrang sakit na halos gusto mo nalang mamatay dahil sawang sawa ka na sa buhay mo, ayaw sa'yo ng mundo at wala kang karaptang mabuhay dito.
Nakakalungot man sabihin pero naranasan ko na iyon.
"Sis! Halika makisalo tayo ng flower nung bride! Malay mo isa sa atin ang next ng ikakasal hihi!" narinig kong pag-aya sa'kin ni Patricia.
Umiling ako, "Hindi totoo 'yon ano ka ba."
Asa naman akong ikasal noh, baka malasin pa ako ng bongga, kamo.
Napansin kong tinaasan nya ako ng kilay.
"Ang bitter mo bakla ha." umirap ang bruha.
"Ikaw nalang, isama mo si Shakira at Eva, dito nalang ako." sinubukan ko na ngumiti.
"Sure ka sis?" tumango ako at pinanood na lamang sila.
Nasa simbahan kami ngayon dahil kami ang make up artist dito sa kasal. Magkakasama kami ng mga bruhang iyon sa pagpapatakbo ng Salon and spa at sa awa ng Diyos ay kumikita kami ng sapat sa araw-araw. Thankful talaga ako sa mga kaibigan ko kahit na mga freestyle ang mga bruha ay maasahan ko naman yan sa lahat ng pagkakataon.
Sinimulang ihagis ng bride ang bulaklak. Napatawa ako ng pag-agawan nila iyon. Sabik na sabik maikasal ang mga gaga.
Tawa lang ako ng tawa ng makitang may nagsusuntukan na para makuha lang ang ang bulaklak. Gahhh! Desperada talagang makasal ang mga bruha!
"Ang saya mo yata..." napatigil ako sa pagtawa.
Why do birds, suddenly appear
Every time you are near
Just like me
They long to be
Close to youTila nanigas ako sa kinauupuan ko ngayon ng marinig ko ang boses nya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at dinapuan ako ng kaba.
Pamilyar ang pabangong iyon.
Dahan dahan kong ipiniling ang ulo ko paharap sa kaniya,
"A-Anong ginagawa mo dito?
Sinusundan mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...