Job? (3)
🌻🌻🌻
BETTINA POV
“Saan punta mo?”
Halos masubsob ako sa gulat nang first time, sa araw na'to na kibuin ako ni Chris. Mula nung nangyari nung isang linggo na 'accident kiss' kinabukasan ay hindi na nya ako kinakausap girl. Basta sinundo na lamang nya ako ng hindi man lang kinakausap. Inuutusan ko sya, Oo. Pero agad naman syang sumusunod at di na lamang nya ako tinitignan. Naninibago nga ako eh, hindi na nya 'ko inaasar.
Kainesh ghorl.
Buong araw ko kaya syang nahuhuling nakatitig sa'kin! Pero pag tumitingin naman ako'y iiwas sya bigla ng tingin. Naguguluhan lang talaga ako sa inasal ni Chris. Obvious sya masyado girl, crush nya ko!
Diba? Bakit sya mahihiya sa'kin? Why does she feel so awkward when I am around, right? I know this girl my gahhh, crush nya ako.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng tinanong nya ako kung saan pupunta. Napatingin ako kay Chris na nakasandal sa glass door at nakakrus ang mga braso. Mukhang pagod na si Chris dahil alas sinco na rin ng hapon.
Inipit ko muna ang buhok ko sa tenga ko bago sumagot sa kaniya, "Eh… dyan lang sa karinderya, bibili akong ulam," medyo mahinang sagot ko sa kaniya, umiwas sya ng tingin at humingang malalim.
“S-Sigi mauna na ako…” paalam ko at itinapak na ang paa mula sa labas ng Salon.
Ramdam ko ang pagsunod nya sa'kin kaya pinagdikit ko ang labi ko, “T-Teka…Sama ako… t-tapos ko na'rin naman yung mga pinagagawa mo.
K-Kaya sama nalang ako sa'yo.” napa-awang ang bibig ko ng biglang nautal si Chris.Girl, confirmed na ba?
“O-Okie.”
Syempre, tumalikod na ako at nauna ng maglakad sa kaniya.
Gahhh! Bigla akong kinabahan!“Fafa Chris! Saan ang punta nyo?”
Naningkit ako ng marinig ko ang makyonget na boses ni Eva.
“Oo nga! Fafa Chris saan kayo pupuntang dalawa huh!?”
At ang mas napakachukieng boses ni Shakira.
“Doon lang sa may karinderya, sige sama ka——” agad kong pinutol ang sasabihin ni Chris.
“Hindi pwede mga Sister!” napairap nalang ako. Kitang moment namin ito.
“At nyoket hinde? Aber?” lumapit sa'kin si Shakira at pinamewangan pa ako.
Nilakhan ko sya ng mata na ang ibig sabihin ay PUNYEMAS-KA-MAGTATAPAT-SYA-NG-DAMDAMIN-SA-AKIN-NGAYON-KAYA-H'WAG-KANG-EPAL-KUNDI-IPAPADAKMA-KO-KAY-EVA-YANG-WERLOGS-MONG-MALIIT.
Agad naman nya iyong nagets at nginisihang aso ako. Basta talaga kagagahan naiintindihan nya ako.
Tumaas ang kilay nyang on flick, “Ay garush? Goodluck nalang Ses at FYI dakila nga kasi ito ang kulit kulit mo ba!” aniya at inirapan ako.
Kinalabit sya ni Eva, “Sister Kiray, ano ba yung dakila sa'yo? Pwede patingin? Hihi!”
Nilayuan sya ni Sahkira, “Putares ka Eva ha? H'wag ang eggs ko, okay?”
Napaurong ang ulo ni Evang mahilig sa itlog, “Whoaaa! Daku yang betlog mo? Weh? Di nga? Bat nung dinakma ko eh, ang liit? Parang itlog ng pugo? Duh! Bigalou my ass, Sis!” inirapan sya nito.

BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...