Denial (2)
Penny lane 🎼🎶
🌻🌻🌻
Earlier that day...
Badtrip man sa inyong paningin si Chris na Lumaban na lumabas mula sa pinto ng opisina ng boss nya, di pa rin nito maiwasang mapangiti nang maalala nito ang nangyari sa kanila ni Bettina Thompson.
Kahit ba muntik na syang di makalakad nang araw na iyon, ay kiber lang kay Chris. Ang mahalaga ay naangkin na raw nya si Bettina. Tang'nang yon, ang tagal nyang hindi nakita ng halos sampong taon, tapos magpapakita sa kaniya ng ganon ang suot? Aba tirahin mo nga. Pero makirot ang puday nya talaga non, hayop ang laki raw kasi ng birdie ni Bettina, hmph!
Mag-iisang buwan na rin silang hindi nagkikita ng Bettina'ng yon Naging busy kasi sya sa mga assignment na binibigay sa kaniya ng boss nya, lalo na't inindian nya raw ang kliyente nya nung araw na may nangyari sa kanila ni Bettina, ang sama lang ay anak pala yon ng mayor, nayari na si Chris. Ayon, wala na syang time para bwisiten si Bettina.
Parang tanga namang nakangiti si Chris habang naglalakad papunta kila Rex. At dalawang kilometro pa ang lalakarin nya para makapunta ron. Alas onse na ng umaga at mukhang gutom na gutom syang makakapunta 'ron.
Teka lang, ang alas onse ba umaga pa rin?
Anyway, close na close naman talaga si Chris at Rex, parang magkapatid na rin ang dalawa at itinuturing na rin syang anak ng ina nito. Masaya na sya, kasi kahit papaano ay maituturing na rin syang kapamilya na wala sya.
Wala sya non. Wala talaga. Wala syang ina at ama. Wala syang pamilya. Ulila si Chris.
Ngunit may umampon sa kaniya nung dose anyos sya, ang mag-asawang Lumaban, ngunit nang mag 21th birthday sya namatay ang mag-asawa kaya napagdesisyonan nyang umuwi ng pilipinas, bumalik sa kaniyang pinggalingan tutal nasa tamang edad na sya para mamuhay mag-isa. Ngunit kahit kailan di nya makakalimutan ang mag-asawang iyon, nagkaroon sya ng ina't ama sa walong na taon nya sa mundo, pero hindi sya na niniwalang basta nalang silang namatay may kutob syang parang may mali.
Nang sanggol pa lamang sya ay nasa ampunan na sya. Naiinis sya sa nalamang natagpuan sya sa tabi ng basurahan. Ni wala pa syang isip non ay ganon na lamang ang kalalagyan nya. Naisip nya na, sana ay hindi nalang sya iniluwal ng kung sino mang Ina nya para hindi nalang sya nito tinapon na parang basura.
Kaya ganun nalang ang damdamin nya sa mga ito. At wala na syang panahon at dahilan para hanapin ang mga iyon. Bahala na sila sa buhay nila.
"Pucha! Ang sakit na ng paa ko!" napaupo sa tabing kalsada si Chris.
Naiisip nya kung bakit hindi nalang sya nagtaxi. Ay kasi exercise rin yon. Pero pucha isang kilometero pa ang lalakarin nya ay parang pudpod na ang paa nya!
"Tangina, exercise ka pang nalalaman. Nakakamatay 'tong ginagawa ko. Dapat pala...tinakas ko nalang yung bike na 'yon ano? Sayang!"
Natatawang sinampal ni Chris ang sarili. Bad yon, very bad and very very wrong. Alagad sya ng batas tapos magnanakaw sya ng bike?
Pero incase of emergency, pwede. Pwedeng pwede.
Humingi muna sya ng malalim bago tumayo at maglakad uli, "Bahala na."
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...