CHAPTER 35

1.4K 70 61
                                    

Tattoos (5)

No more pranks hehe 😛✌

🌻🌻🌻

Nasa parking lot si Chris ng station at doon nya pinark ang flamed chopper motor ni Daisuke. May gauze pad pa din sya sa noo at braso at bakas ang nga sugat sa pingi nya at labi. Humaba na din ng kaunti ang buhok nya't kita na ang itim na buhok sa ituktok nito. Bitbit nya ang backpack at tinahak ang daan patungo doon.

Pormal syang nagpaalam kay Bettina at pinarahan ito ng taxi. Napangiti si Chris ng maalala ang pag-aalaga nito sa kaniya. Di nya akalaing gagawin iyon ni Bettina para sa kaniya. Hinawakan nya ang dibdib. Malakas pa'rin ang tibok mula doon. Iba ang labi ni Bettina sa lahat ng labing nahalikan nya. Pagsalat palang ng labi nya doo'y gumagaan ang pakiramdam nya at para syang nakalutang sa langit.

Sinalubong nya ang nga kapwa pulis at kinamusta sya ng nga tropang pulis na sina Luis at Manoy. Nasabi nalamang ni Chris na masaya syang nagbalik muli. Pinapatawag sya ni Chief at may importante raw itong sasabihin tungkol sa misyon nya. Alam na ni Chris ang pagkabigo. Pero wala na iyon sa kaniya dahil sa dami ng kaniyang natuklasan alam na nyang nasa panganib ang buhay nya.

Huminga muna sya ng malalim bago ipinihit ang door knob ni Chief. Bumungad sa kaniya si Chief na nakatayo at mayroon itong sineremonan sa tapat nya na naka dikwatro't patawa tawa lang. Napatingin sa kaniya si Chief at ang kasama nito doon. Ngunit na kay Chief ang atensyon nya.

"Salute, Chief." sinaluduhan nya ito at ganun din si Chief.

Mukha itong stress na stress sa kausap nya. Kitang kita nya ang ugat nito sa sentido na nagsisilabasan.

"Maupo ka dine, Inspector." sabi nito at tinapik ang couch kung saan nakaupo ang taong pamilyar sa kaniya. May kinalutkot si Chief sa drawer nya.

Naglakad si Chris patungo doon at ibinaba ang backpack sa tabi nya. Bigla syang inakbayan ng katabi nya.

"Yow Chris!" bati nito sa kaniya kay napatingin sya doon.

"Mhyles?" hindi nakapaniwalang sabi ni Chris at naglapit ang noo nilang dalawa.

"Wow buhay ka pa, bossing!" sabi nito at tinapik tapik ang braso nyang may gasa, napangiwi sya ng maramdaman ang hapdi.

"Putanayda ka, kailan ka ulit umuwi?" tanong nya dito at kinurot ang ilong ni Mhyles.

Nag-aaral sa States si Mhyles ng abogasya, nag-iisang anak 'to ni Chief, unica iha sana, kaso yobmots din. Tanggap naman ito ni Chief dahil ano pang magagawa nito. Ito na sya. Mas matangkad ng kaunti si Chris dito, long bangs undercut pixie hair ang buhok nito at kulay itim, maputi ang balat ni Mhyles at maganda ang hubog ng katawan. Nakasuot ito ng gray cardigans shirt, black trousers at nakadessert boots ito ng black.

"Kahapon lang, hehe. Di kita nadalaw bossing. Pero nakita ko sa instagram at gc natin. Lagi kang dinadalaw ng mga bossing." sabi nito at pinagkrus ang braso.

"Oo nga. Patingin ng picture ko sa ig baka pangit ako." napanguso si Chris, bwiset na mga iyon mahilig 'yon kumuha ng epic na picture.

Tumawa si Mhyles at kinuha ang phone, "Hindi naman masyado, para ka lang asong tulog." napangiwi si Chris ng makita ng picture nya. Mabuti nalang at hindi sya nakanganga. Napakadami nya palang band aid sa mukha.

Tinignan sya ni Mhyles, "Comatose ka pala hano. Kamusta naman ang Hospital. Maganda ba ang serbisyo?" tanong nito at pinasingkit ang mata.

"Oo, maganda." kinamot ni Chris ang pisngi, "Bakit mo naitanong?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Mhyles, "Kasi kung hindi, sumbong mo sa'kin. Yayariin ko Doctor mo. Mabait ba sa'yo 'yon?" kinutkot ni Mhyles ang sariling kuko.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon