CHAPTER 18

1.6K 65 9
                                    

Suyo (2)

🌻🌻🌻

CHRIS POV

TATLONG ROSAS, tatlong tsokolate, at tatlong sulat para sa'king mahal. Tigatlong bagay, na may'rong gustong iparating,

Sa aking iniirog, ako'y handang magpakumbaba, magpakahirap at manuyo. Tatlong salitang gusto 'kong bigkasin ngunit,

Pinangungunahan ng damdaming hindi didinggin, oh giliw ko.
Nawa'y maramdaman mo, ang aking pagsusumamo, sa pamamagitan ng isang tulang isinulat ko.

Na syang nanggaling pa sa kaibuturan ng puso ko, sana'y ako'y patawarin, sapagkat mula ngayon, ako'y nangangakong di ka na sasaktan.

Itaga mo sa bato. Ikaw lang ang nasa puso ko.

Nagmamahal,
Chris

Napangiti ako sa pagsulat ko ng huling salita sa ginagawa kong liham para kay Birdie ko. Inilagay ko iyons a pink na sobre at nilagyan ng tali, niribbon din iyon. Nagpaturo ako kay Honey, para kahit papaano ay maganda ang design hehe. Nang una'y ayaw pa nya akong gawan ng design pero nung kinurot ko sa utong ay pumayag din naman.

Tatlong araw ang nakalipas matapos nya akong hingan ng pabor na wag na magpakita sa kaniya, Talong araw ang lumipas mula nung ipinangako ko sa kaniya na hindi ako susuko. Hindi sapat na dahilan na ayaw na nya akong makita. Di nya ko makukuha sa pagsusungit nya. Ibababad ko ang pusong bato nya sa mainit na yakap ng aking pagmamahal. At sabi nga ni Moira, walang matigas na tinapay sa mainit na kape na 'yong pagmamahal. Salamat Moira.

Nasa bahay ako ni Honey at inaayos nya ang buhok ko, sabi ko papogiin nya 'kong lalo. Yun bang mahuhulog ang panty ni Bettina kapag nakita ako. Kikindatan ko lang 'yan, nakalimutan na yata ni Bettina na patay na patay sya sa'kin. Well, ngayon ipapaalala ko lang sa kaniya. Tsk.

"Oh oks na ba yan Hon?" tanong ni Honey at tinitigan ko iyon mula sa salamin, messy yata ang tawag don, nagpakulay rin kasi ako ng buhok, dark brown. Kagwapo netong nasa salamin. Ako ba ito?

"Medyo...i-kuwan mo, sideways dito oh." i-minostra ko pa kay Honey at napa-irap nalang sya't kinuha ang brush at marahas na sinuklay suklay ang buhok ko.

"Itai!" Ouch! pina-ikot nya muli ang mata habang kinakayod ang ulo ko ng brush.

Ilang ulit na ba 'to? 8? 9? Ewan ba! Di nya makuha yung style ni Birdie sa hair ko eh.

"Kasing! Kaarte arte naman. Masasabunutan na talaga kita Hon! Umaaray na ang kamay ko sa kaartehan mo." reklamo pa nya at sa patuloy nya pagsuklay, ay kasama ang ulo ko. Pucha. Kinakayod ang mga dandruff ko.

"Masakit!"

"Tse!"

Konti nalang at makukurot ko na dede nito, "Ayan! Pwede na'yan! I quit na!" ibinalibag nya ang brush sa tukador at hinilot hilot ang kamay nya saka umupo ng kama.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon