CHAPTER 37

1.2K 78 42
                                    

Tattoos (7)

🌻🌻🌻

Nakatayo si Chris sa tapat ng lugar kung saan sya idinala ng kaniyang mga paa. Hinahangin ang buhok nya habang tinititigan ang lugar na iyon. Bumalik nanaman sya sa dati nyang tinitirhan. Bumalik nanaman sya sa dati.

She let the wind passed through her face as her dog Bettina sit on the floor. She sighs and look at her dog. She whistles as same as what Daisuke did. A few seconds passed, A man with a long beard arise from a black door.

He is wearing a pajamas and black t-shirt. The man half smile as he saw her.

Napangiti na din si Chris at dahan dahang lumapit dito dala ang aso nyang si Bettina at ang backpack. Inalis nya ang suot na baseball cap at nagdikit ang mga noo nila. Napapikit si Chris ng maghiwalay ang kanilang mga noo.

Ginulo gulo nito ang buhok nya habang pinagmamasdan sya.

"Kaettekita ne." You're back. Pagbati nito sa kaniya.

Tumango sya, "Watashi wa totemo kaettekita," I am so back,

She smiles.

"...Boss Ponky."

🌻🌻🌻

Nakatitig ang mag-asawang si Lili at Boss Ponky kay Chris na kasalukuyang nagduduyan kasama ang kaniyang asong si Bettina sa pagitan ng dalawang puno sa tapat ng kanilang bahay. Dito lagi ito tumatambay kapag nag-iisip o kaya ay may problema.

Wala itong sinabi sa kanila kung hindi, dito na sya muli titira. Iyon lang at walang iba. Kilala nila si Chris na sinasarili lamang ang kaniyang problema. Hindi ito nagsasabi sa kahit sino. Bata pa lamang si Chris ay buhay na ang kamalayan nito sa mundo. At hindi nila napigilan iyon.

"Hoy, Protacio!" sigaw ni Lili sa kaniyang asawa na katabi lamang nya.

Inis na tumingin sa kaniya si Boss Ponky, "Ano ba?!"

Sa katotohanan, lagi silang nagsisigawan. Araw-araw.

Bumusangot sya, "Bakit malungkot si Bunso? Pinagalitan mo hano?!" pinasingkit nito ang mata sa asawa.

Nakasuot ito ng bestidang puti, maganda pa'rin ang kutis ng ginang kahit may katandaan na ito. Singkit ang kaniyang mata, maliit at matangos ang ilong at manipis at mapupula ang mga labi. Hindi nya alam kung bakit sya nabihag ng isang Boss Ponky na mukhang matandang ermitanyo naman.

Napabuntong hininga si Boss Ponky, "Wala akong ginagawa, h'wag mo akong simulan, Lili." inirapan pa sya nito.

Napalabi ang ginang, "Eh bakit sya nagkakaganiyan?"

Asar na asar tinignan muli ni Boss Ponky ang asawa nyang makulit.

"Tanungin mo kaya?" asik nito sa asawa.

Tinulak sya nito bahagya, "Eh bakit ako? Ikaw dapat!" kamuntik ng mahulog si Boss Ponky sa upuan.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at nanggigil itong tinignan, palibhasay'y hindi nya napagbigyan kagabi.

"Eh bakit ako? Ikaw ang gustong makaalam, ikaw magtanong!" pambabara nito sa asawa mabuti nalang at may kalayuan si Chris sa kanila at hindi sila ito maririnig kung sakali.

Napanguso ang ginang at inirapan si Boss Ponky na nanahimik.

"Ikaw ang may bayag, ikaw magtanong!" naiinis nitong sigaw sa asawa.

Pangalawang sa totoo lang, kahit lagi silang nag-aaway at nagsisigawan, araw-araw ay hindi naman sila naghihiwalay dahil pangatlong sa totoo lang, mahal na mahal nila ang isa't isa at hindi nila kayang mawala sa piling ang kahit isa. Ayieh.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon