CHAPTER 46

1.6K 64 63
                                    

The Rosamond's (5)

🌻🌻🌻

Alas tres ng hapon ay nakabihis na ng gown ang mga butchelors. As usual, galit na galit ang mukha ng mga ito at tila hindi maipinta, alas sinco ang simula ng kasal ni Rex at Apollo kaya maaga pa lang ay naghahanda na sila. Maayos na ang lahat, church at ang reception. Nakaayos na rin ang mga flower boys at flower girls. Ang mga groom's men ay tapos na din. Sila na lamang bride's maid ang mga nagdidiwara pa at kailangang pilitin para lamang magsuot ng gown.

Si Rex ay nasa kabilang room at nagbibihis pa lamang. Samantalang silang mga butches ay mga nakabusangot habang naghihintay sa mga magmamakeup sa kanila.

"What the fuck? Pink?!" nanggigil sa sambit ni Gabby at kamuntik ng punitin ang gown.

Napasabunot ng buhok si Bok, "Pink pa din ang putangina!!" padabog syang naupo sa couch,
"Makakapatay ako ng tomboy puta!"

Nakabusangot na kumapit sa kanila si Mhyles, "If we don't wear this, bye bye $300,000~" naiiyak nitong sambit.

"Kingina ni Rex." napabuga sa hangin si Vin.

"Para sa pera mga bossing." nagteam up si Chris at inilahad ang likod ng palad.

Napabuntong hininga si Dex, "$300,000."

"Basic?" tanong ni Mario.

Gigil na tinapik ni Gabby ang mga kamay nilang patong patong, "Fucking Basic!"

Napipilitang ngumiti ang mga ito at maya maya's dumating sila Bettina na may mga dala dalang make up bags. Naka shirt and bows ito dahil groom's men din sya ni Apollo, naloka ng husto si Bettina ng mapunta sya sa groom's men at kailangang tuxedo ang suot, napapayag sya ni Apollo ng magdagdag ito ng bayad sa kanila. Saka okay na din iyon para partner sila ng kaniyang bhe.

"Aking bhe, halika na dito. Tapos ko na ang mga babies ih." marteng nitong inaya si Chris sa isang salon chair.

Uunahin na nya ang kaniyang bhe para hindi na ito mabugnot. Mabuti na lamang at maraming yaya sila Rex at Apollo at naiiwan nya doon ang anak nila ni Chris na si Uno. Pana'y ang laro nito kasama ang mga anak ni Rex, Rosie at Ricky. Ngayon lang kasi ito nagkaroon ng mga kalarong mga sosyal.

Tinapik ni Shakira ang salon chair nakasuot sya ng dress na kulay purple, "Dex, upo ka na dito oh." aniya at nagbuntong hininga si Dex bago lumapit sa kaniya.

"Mario~" nginitian ni Patricia si Mario habang nagtatasa ng pangkilay, maamo kasi ang mukha nito kaya ito ang uunahin nga.

Sinenyasan ni Eva si Vin na lumapit sa kaniya dahil isinakay sya nito sa motor nito, "Dito ka sa'kin, Vin."

Parehas si Eva at Partricia na nakasuot ng pink na dress dahil sinabi ni Bettina na maganda raw ang pink at hayaan nila si Shakira doon na nagpurple mukha itong talong na baklang nabuhay.

Nagsimula silang ayusan ang mga butches habang mga naglalaro ng call of duty ang iba habang naghihintay ng kanilang time. Rinig na rining nila ang murahan ng mga ito mula sa kanilang likuran.

Naiilang si Shakira dahil iba kung makatitig sa mga kamay nya si Dex, bagong kulay kasi ang kuko ng purple at hindi naman iyon pangit, ang ganda nga ng desing nya doon. Wala rin naman dumi sa kaniyang kuko at hindi rin naman magaspang kaniyang kamay, sa katunayan, para itong kamay ng babae ngunit mahahaba nga lang ang daliri nya.

Ang weird ni Dex sa totoo lang, hindi naman ito tumitingin sa kaniya. Kundi sa mga kamay nya habang ito ay inaayusan nya.

"Ano ba, Dex. Steady ka lang." medyo naaasar nyang sabi dito at hinawakan ang mukha nito.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon