CHAPTER 21

1.6K 83 15
                                    

The Fire Between (1)

🌻🌻🌻

IBINUGA ni Chris ang usok ng sigarilyo at muling humithit sa nito. Hating gabi at nasa labas sya ng bahay, nakaupo sa sahig at nakatitig sa mga bituin. Halatang malalim ang iniisip nito. Matapos kasi nilang magkasalubong ni Bettina sa daan ay nanahimik nanaman ito. Huminga sya ng malalim at inilagay sa bibig ang yosi ngunit may umagaw nito sa kaniya, nilapag sa sahig at inapak-apakan.

Sinamaan ng tingin ni Chris si Rex na kasalukuyang nakangiwi. Nakasauot ito ng damit pantulog, at hindi ito nakabra. Tinabihan sya nito sa pag-upo at ginitgit.

"Si Bettina noh?" mapang asar ang tono nito at inismiran nya lang at tumingin sa malayo.

"Kalakas ng alindog ng baklang 'yon Chris, ano bang pinakain nya sa'yo?" napapalakpak si Rex at ngumisngis, "Nakakagat ka siguro sa hotdog nya kaya ka nagkakaganyan! Hahaha!" siniko siko sya nito.

Nagsalubong naman ang kilay ni Chris at lumayo sa kanya, "Ano ba, Rex. Umuwi ka nalang kaya sa inyo." umigting ang panga nito.

Tinitigan sya ni Rex, maglalabas nanaman si Chris ng yosi at tangkang sisindihan iyon. Hinablot iyon ni Rex at inilagay sa bulsa.

"Putangina, bat ka ba nagkakagayan?!" tumayo si Rex.

Tumayo rin si Chris at iniwasan ang tingin nito, "Ibigay mo nga sa'kin 'yan."

"Kung hindi ka lasing tuwing gabi, amoy yosi ka naman. Ano ba Chris?! Ano na susunod? Magdodroga ka naman?! Naturingan kang matalino at mahusay pulis. Tapos magkakaganiyan ka?!" mahina ngunit nanggigil na sabi ni Rex.

Di iyon pinansin ni Chris at inagaw pa din sa kaniya,
"A-Akina kasi 'yan...tsk!"

Nagsimulang uminit ang ulo ni Rex. Sa tagal nilang mag kasama ngayon lang naman ito nagkaganito. Kung kumilos kala mo, wala sya sa tabi nito.

"Chris...tumingin ka nga sa'kin!" hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito at iniharap sa kaniya.

Biglang naawa si Rex sa kaibigan, nagtutubig ang mata nito at mapula pula. Malalim rin ang eyebags nito at namumutla. Mukhang hindi ito natutulog sa gabi at hindi na din kumakain ng sapat.

Inalis ni Chris ang kamay nito at tinalikuran sya, "Putanayda ka Chris, ang pangit mo umiyak. Alam mo yon?" huminga sya ng malalim ng marinig ang pagsinghot ni Chris.

"Halika nga dito." Nilapitan nya ito at niyakap, umiiyak nanaman si Chris.

Hinaplos haplos nya ang likuran nito, "Shhh! Alam mo kung nandito si Yuno. Pagtatawanan ka non."

Ang awkward para kay Rex na magcomfort, di naman sya sanay sa ganitong sitwasyon at bago lang din sa kaniya ang mga pag iyak iyak ni Chris. Well, kahit mga tomboy sila, malalambot pa rin ang puso nila.

"Bro, may sasabihin ako sa'yo sikretong malupet." kumalas ng yakap si Rex kay Chris at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Pinunasan na rin ang luha nito, "Alam mo ba nung broken ako? Wala ka kasi non eh, japayuki kang animal ka. Ni-busted ako ng halos isang taon kong nililigawan. Ginawa ko non, alam mo?" ngimisngis si Rex, "Nangligaw ulit ako, yung di masyadong maganda."

"O-Oh anong nangyari?"

"Edi busted pa'rin." iniikot ni Rex ang mata, "Alam mo naman sa panahon ngayon, pati nga pangit, mga fucking choosy na 'rin."

Biglang napatawa si Chris sa kwento ni Rex. Napangiti na si Rex non. Talagang, she never fail to make her laugh. Minsan mababaw rin ang kaligayahan ni Chris. Kayang kaya iyon ni Rex paapawin.

"Tang'na ka!" tinampal nya ang kamay nito.

Napakamot ng batok si Rex, "Hehehe, ala eh. Malas man ako sa babae, atleast may Achi ako sa buhay ko."

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon