Denial (4)
🌻🌻🌻
BETTINA POV
"ANONG GINAGAWA MO DITO, Chris?"
Tinignan lang ako ni Chris mula ulo hanggang paa habang sya ay nakangisi.
"Magandang Gabi Bettina, pero bakit mukhang hindi maganda ang gabi mo?" ngumisngis ang tiboli.
Ewan ko ba, naiinis talaga ako sa kaniya.
"Naging pangit ang gabi ko nang dumating ka. Kaya umalis ka na." sinubukan kong maging kalmado. Hindi maganda ang mood ko ngayon, lalo na't nakita ko pa itong si Chris.
Napalabi sya.
Leche!
Hindi nya makukuha sa paganyan ganyan nya noh!
No!
As in Neveh!
"Tsk! Si Eva, nasan sya?"
Napataas ang isang kong kilay, "S-Sya ba ang ipinunta mo dito?" napalunok ako at umayos ng tayo.
H'wag nyang sabihing balak nya ngang ligawan si Eva.
Aba!
"Hindi ah. Ikaw talaga ang ipinunta ko dito. Kaso mukhang badmood ka ngayon kaya si Eva na lang ang kakausapin ko. Pwede ba?" Namumungay ang matang lumabi si Chris.
Aww...Hang kyu--
Hindi, mukha syang aso, Asong tibo.
"At ano namang kailangan mo sa'kin?"
"Monay." Kumindat sya, tumingin sa bandang dibdib ko at binasa ang kaniyang labi.
"Ano?!"
Napangangang tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay.
Sira ulo!
"Wala, basta si Eva nalang ang kakausapin ko. Tawagin mo dali!"
Aba talaga!
"Inuutusan mo ba ko?!!" naiinis at nakapamewang kong tanong sa kaniya.
Mhmhmp! Nakuuuu! Gigigil ako!
"Eva babes!!!"
Eva babes?! Eva babes ha?! Eva babes daw amputaragis!
"Eva Babes! Nandito na ko! Yuhooo!" sigaw nya pa.
"Fafa Chris!!" agad naman syang sinalubong ng yakap ni Eva.
Mga Bastos!
Ang sakit nyo sa mata! Mga anak ng Pechay!
Bago pa umusok ang ilong ko ay tumalikod na ako.
"Naku! Fafa Chris! Pasok ka sa loob..." rinig kong sabi ni Eva.
"H'wag na Eva babes! Na-istorbo ko na nga kayo. At nga pala, para sa inyo 'to. Tapos itong papel, bigay mo kay Bettina. Sabihin mo ang panget nya."
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ng walang'ya.
ANONG PANGIT?!
SI BETTINA PANGIT?!
Shutangina ha.
"De joke lang. Sabihin mo sa kaniya, babalik ako dito bukas. Saka...Eva babes, Bukas pa ba kayo? Hanggang ngayon?" tinitigan ko ang dalawang tahong.
"Syempre naman Fafa Chris! Papagupit ka ba?" hinawak hawakan ni Eva ang buhok ni Chris.
Eva ha, nakaka-ilan ka na.
![](https://img.wattpad.com/cover/143376068-288-k498321.jpg)
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...