CHAPTER 15

1.5K 64 5
                                    

Sudden Changes (4)

🌻🌻🌻

Sinundan ni Chris si Sharina, itong babae na ito ay kasamahan nya sa trabaho at halata nyang may galit ito sa kaniya. Malamang ay inggit, inggit dahil madalas syang parangalan at mapansin ng mga nakakataas kesa dito. Madalas rin syang bigyan ng pang malakasang misyon at sya pa ang team teader. Di naman nya kasalanan kung mas madiskarte sya kesa dito. Mula nung training nila ay pakiramdam na ni Chris na nakikipagkompetensya na si Sharina sa kaniya, pero wala syang pake. Bahala nga syang lumawit ang tuka kaka-una sa kaniya.

Ilang beses na sya nitong tangkaing siraan kay Boss Chief nya pero puro satsat at wala namang ibedensya ang punyetang si Sharina. Actually, wapakels talaga si Chris sa mga pinag-gagagawa ni Sharina. But now, it's too weird. Seems like she's planning something big. She wanna know what it is.

Huminto si Sharina sa eskinita malapit sa restaurant, huminto ito saglit, nagtago si Chris sa malaking basurahan, lumingon si Sharina at tumingin sa paligid ng kunot ang noo. She search for her phone and dial a number.

Pasimpleng sumilip si Chris kahit na ang baho ng hinayupak na basurahan ay tiniis nya. Dimuhong Sharina anong trip neto at sa eskinita pa tumambay. Inipit nalang ni Chris ng dalawa nyang daliri ang ilong at tinignan si Sharina.

Bakit ba kasi ang sexy nitong babaeng 'to? Napadako ang tingin ni Chris sa pang-upo nito at maya maya'y umiling. Mali. Magagalit si Birdie! Doon lang dapat sya sa pwet ni Birdie, mas malambot 'yon.

“Pumunta na kayo dito,” sabi nito sa kausap, “Yes, I'm sure. One hundred one percent. They are here.”

Tumawa pa ang bruha, nagsalubong ang kilay nya sa pagtawa nito. Mukhang mangkukulam. Nakaka-turn off, “You are welcome my dear. Siguraduhin mong dudumugin silang mag-ama. Take them to the hot seat.” then she hung up and leave the area.

Sinundan ni Chris ng tingin ang dalaga, at napa-isip ng malalim. Mag-ama? Ano nanaman bang katarantadahan ang gagawin ng babaeng 'yon? Anong dudumugin? Saka sino bang pangit ang kausap non? May pa my dear my dear pang nalalaman. Di bagay kay Sharina, mukha syang Arabo.

Pagkat gusto ko ang nota ng mga kanta mo
Gusto ko ang nota, ang nota——”

“Yes po Señora Eli?”

“We're here, my dear. Where are you?” tanong nito.

Syempre pag nanay ni Bettina ang nagsabi ng my dear. Ang sarap sa pandinig, kesa yung kay Sharina, kinikilabutan sya, my dear.

“A-Ay andyan na po may tinignan lang ako saglit. Wait lang po.” sagot nya't pinatay na ang tawag at nagtatakbo na pabalik ng restaurant.

Masayang sinalubong ni Chris ang mag-inang si Señora Eli at Blythe sa SUV nito. Ang gagara ng suot ng mag-ina. Nakaramdam sya agad ng excitement ng inalalayan nya itong bumaba ng sasakyan. Mukhang pinaghandaan ng mga ito ang muli nilang pagkikitang mag-ina. Ang gaganda ng suot. Tamang tama pati rin naman ang Birdie nya nagmaganda din. Natutuwa si Chris para sa kanila, at sure sya na ang Birdie nya'y matutuwa rin pagnakita ang mga ito.

“Magandang gabi Señora Eli.” bineso si Chris ang ginang.

“Good Evening, iha.” ngumiti ito ng pagkatamis tamis.

“Hehehe...” napakamot na lamang ng pisngi si Chris at napadako ang tingin kay Blythe. Halos mapapanganga si Chris sa ganda ng nakakantandang kapatid ng Birdie, magkamukha talaga silang mag-iina. Pero itong si Blythe ang amo ng mukha at ang kinis kinis. Ang tangkad pa. Tapos ang laki ng boobs, ang sexy pa at mukhang, mukhang may future 'rin ang pang-upo nito.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon