Tattoos (4)
Para sa mga gustong mabuntis na si Chris. 💕
🌻🌻🌻
"Huh? Nasaan ako?" pagkausap ni Chris sa sarili matapos magising sa damuhan ng isang malawak na bukirin.
Iginala nya ang paningin nang sya'y makatayo at nagsimulang lumakad ng nakayapak. Nakasuot sya ng puting longsleeve na damit at puting pants. Madilim ngunit maraming alitaptap sa paligid, masarap ang ihip ng hangin at sumasabay ang mga tangkay ng mga puno sa sayaw nito. Malamig ang simoy ng hangin at dumadapo iyon sa kaniyang balat. Amoy bulaklak ang paligid at napakabango noon. Tahimik at ang agos ng tubig sa talon lang ang kaniyang naririnig.
Dumaan si Chris sa tulay mula sa talon at doon nya nakita ang isang babae na nakatalikod mula sa kaniya, mahaba ang buhok nito, nakaputi rin ito na bestida, may katangkaran ito at hula ni Chris ay maganda rin itong binibini.
Napangisi si Chris, naka jackpot ba sya?
Chris stop when the girl speak, they were like five feet apart to each other.
"Hanggang dyan ka lang, Chris." mahinahon nitong sabi.
"Miss?" napakamot ng pisngi si Chris.
Paano ba sya didiskarte?
"Pwedeng magtanong?" naisip ni Chris na sayang ang pagkakataon, ngayon lang sya ulit nakita ng babaeng mahinhin at maganda ang hubog ng katawan.
"Ano iyon?" rinig nyang sagot nito ngunit nakatalikod pa'rin sa kaniya.
Gusto sanang silipin ni Chris kung gaano ito kaganda ngunit baka mayurakan nya ang pagkababae nito kapag pinuwersa nya ito. Lol
"T-Tayo lang bang dalawa dito?" lumunok si Chris at pasimpleng ngumiti.
Narinig nyang tumikhim ang binibini at nagtaas ng tingin.
"Oo."
Kinusot ni Chris ang ilong at bumulong sa gilid nya, "Ayos."
Muling tinitigan ni Chris ang binibini sa kaniyang harapan ng may pagnanasa, "Hmmm...Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?"
Curious sya kung paano nito nalaman ang pangalan nya samantalang ngayon lang nya ito nakita.
Nakita nya ang paghawi nito sa buhok na umaalon kasabay ng hangin, "Dahil, kilala kita..."
Sumingkit ang mata ni Chris, kilala raw sya nito? Paano?
"Tapos?" gusto itong lapitan ni Chris ngunit pawang may pumipigil sa kaniya na gawin iyon.
"May kailangan kang gawin."
Napataas ang dalawang kilay ni Chris at bigla na lamang syang kinabahan sa tono ng boses nito.
"A-Ano iyon?" niluwagan nya ang kuwelyo ng damit.
"Kailangan mong panagutan ang nangyari sa pagitan natin."
Nanlaki ang mata nya sa sinabi nito at napaurong ng kaunti.
Panagutan?
"H-Huh?"
Nakita nya ang side-view nito, "Chris..." iniipit nito ang buhok sa tenga, "Buntis ako..."
Namulagat ang mata ni Chria at napaupo sa sahig nang makita nya ang bilog nitong tiyan at marahang hinimas himas iyon.
"P-Pucha..." napatakip ng bibig si Chris.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...