Frame up (2)
🌻🌻🌻
"Saan ka pupunta anak?"
Tanong ni Mamita kay Bettina. Nakagayak ito at halatang nagmamadali.
Nagbuntong hininga sya, "S-Sa Munisipyo po Mamita." sagot nya at pinunasan ang pawis, "Baka nandoon na po si Chris."
Nagbabaka sakali si Bettina kung andoon na si Chris. Gusto nya itong makausap dahil sobrang daming tanong sa kaniyang isipan isa pa, gusto nya makita si Chris at ang kalagayan nito. Sobra ang kaba sa puso nya at hindi sya mapapanatag hangga't hindi nya nakikita si Chris.
"Sigurado ka?" nag-aalalang tanong ni Mamita.
Pati sya ay kinakabahan. Hindi rin sya naniniwala na magagawa iyon ni Chris dahil iba ang pagkakakilala nya dito at hindi isang kriminal.
Tumango si Bettina, "Opo."
"Samahan na kita, anak." pagboboluntaryo ni Mamita at nilapitan sya.
Kitang kita nya ang kaba at pag aalala ng kaniyang anak sa kasintahan nito.
"Sige Mamita." sagot ni Bettina at iniayos ang suot na pink na t-shirt, "Tara na po?"
"Oo, kukunin ko lang ang bag ko." anito at nagsimulang umalis, "Pakitignan mo nga si Bettina at kanina pa tahol ng tahol doon." dagdag pa nya pagkatapos ay umakyat ng hagdan.
Napapikit ng mariin si Bettina saka nagtungo ng terrace nila, "Bettina..." mahina nyang sambit, "Hmm..." pinasingkit nya ang mata.
Nakita nya ang aso ni Chris na may tinatahulan sa gilid ng kanilang gate. Para itong galit na galit dahil labas ang mga pangil nito. Dinapuan ng kaba si Bettina.
"Huy!" sigaw nya sa aso, "Bettina kuuu!" aniya at pinapunta ito sa kanila.
Hindi sya nito nilingon at mas lalo pang nagalit, "Arf!! Arf!!"
Nagsalubong ang kilay nya at dumako sa kinaroroonan nito. Parang may nangyayaring mali.
Pumamewang sya, "Bakit ba galit na gali--" napahinto si Bettina nang makakita sya ng sandamakdak na tao na lumabas mula sa itim na Van.
"S-Sino po sila?" tanong nya sa nga ito.
Inisa isa nya ito at puro mga nakaitim. Pinagigitnaan nila ang isang babae na nakasuot cat suit at nakasuot ng maskara at hindi nya makilala kung sino ba ito. Basta, maganda ang hubog ng katawan nito at mukhang magandang babae. May hawak hawak itong baril kaya bumilis ang tibok ng puso ni Bettina.
"Get in." anito.
Kaagad nagtatakbo ang aso nilang si Bettina sa loob ng kanilang bahay. Ilang beses na napapikit si Bettina at umurong ng lakad. Lumakad ito papalapit sa kaniya.
"B-Bakit?" kinakabahang tanong ni Bettina at lumunok ng mariin, "Sino ba kayo?"
Sumenyas ang babae, "Fuck off and get in." asik nito sa kaniya at isinara ng mga kalalakihan ang gate nila.
Bumwelo si Bettina, "Mamita!!" sigaw nya ngunit bigla syang binigwasan ng babae, "Aray! Bruhang 'to!"
Napahawak sya sa pisngi at naramdaman ang sakit doon. Tinignan nya ito ng masama ngunit napalitan iyon ng matinding kaba ng tutukan sya nito ng baril sa noo.
"Shut up or I won't hesitate to kill you." pagbabanta nito at idiniin sa noohan nya ang baril, napalunok ng ilang beses si Bettina kasabay ang panlalaki ng mata.
Matapang na tinapik ni Bettina ang baril sa kaniyang noohan, "P-Putanggrang 'to." sabi nya at iniigting ang panga, "Oo na."
Itinuro sa kaniya ni Chris, na wag ipakita na mahina ka sa kalaban. Siguro ay susundin na lamang nya ang sinabi nito. Na maging kalmado kapag may karahasang pangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/143376068-288-k498321.jpg)
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...