Scott Streets | Afterglow
Thank you, 100k reads and counting.
To my sunflowers, this special chapter is dedicated for all of you.
🌻🌻🌻
FLASHBACK
"Ureshii na kyou wa.
tanoshii na kyou wa.
tanjoubi omedetou.
outa wo utaimashou~"
Nakatitig lamang sa sindi ng kandila ang batang nagngangalang Chris. Nasa harap niya ang isang chocolate cake habang kinakantahan siya ng dalawang ginoo at dalawang bata.
"Maligayang bati
Sa iyong pagsilang
Maligayang, Maligaya
Maligayang bati!"
Nasa labas sila ng bahay at kapuwa nakasuot ng birthday hat. Ipinagdiriwang ngayong unang araw ng Nobyembre ang kaniyang pinapaniwalaang ika-limang taong gulang na kaarawan.
"Happy birthday Bata!" / "Happy birthday Bunso!" the two Mister greeted the little girl.
"Happii basudee tuu yuu, one-san!" the little boy—younger than her.
And the little girl—older than her, "Happy birthday, Imouto." and the both of them hand over her gift boxes.
The kid have a small smile on her face when she accept it and take a bow. Ito ang unang araw niyang makaranas ng kaarawan na mayroong regalo, cake, at mga handa.
"Maligayang Kaarawan sa aming bunso!" dalawan ginang pa ang lumapit, nauna si Lili dala ang iba pang inihanda para sa bata.
Hindi makapaniwala si Chris, "Salamat po..." at yumukod na lamang, "A...Aridato." sinubukan niyang banggitin ang itinuro sa kaniya ni Boss Ponky.
Hinawakan ni Fe ang magkabila niyang pisngi, "Arigatou po hehe..." pagtatama nito at inayos ang suot nyang pulang dress, "Oh hipan na ang cake." iniharap din ng ginang sa kaniya ang bilog na cake.
"Wish muna!"
Mukhang hindi naman naiintindihan ng bata ang wish, "Po?" pawang ngayon niya lang iyon narinig.
"Hiling ka muna anak." paliwanag ni Fe, "Pikit tapos wish."
Ginawa naman iyon ng batang babae, "Hmm..." ipinikit nito ang mga mata kasama ang pagdikit rin ng mga labi.
Masaya ang bawat isa na naghintay sa taimtim na hiling ng musmos. Palihim rin na nagpunas ng mga mata si Boss Ponky na nakita naman ni Chief kaya tumingala na lamang ito.
Ibinukas ni Chris ang mga mata at hinipan ang apoy, "Yey!!!" nagtatalon ang dalawa pang bata, "Ittadakimasu!"
Sumisinghot singhot pa si Chief, "Ano ba ang wish ng bata ko?" nilapitan nito si Chris.
Dahan dahang umiling ang bata, "Chip...wala po." kita niya ang pagngisi nito at nilaro ang ribbon sa kahon.
Tumabi sa kanila si Boss Ponky, "Ayaw pang sabihin, ibulong mo sa akin." gusto lamang nilang malaman kung ano ba ang hiniling nito.
Muling umiling si Chris at hinawi ang ulo ng dalawang ginoo, "Secret po, Boss Poky." pagkatapos ay nagtaas ng sulot ng labi at kumamot ng pisngi.
Napanguso ang may buhok pang si—"Chief, Chief kasi iyon." pagtuturo nya dito.
Gayundin ang may bigoteng mister, "Tapos Pon-ky, Ponky."
Dahan dahan naman iyong binanggit ng bata, "Chi..p...Po-ky." ibinaba nito ang dalawang regalo sa lamesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/143376068-288-k498321.jpg)
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...