Prologue

1.7K 66 1
                                    

Prologue |

Dala dala ko ngayon ang aking bagahe. Ito na yung subdivision na bagong titirhan namin. Inakbayan ako ni Primrose habang ako ay iginagala ang tingin sa loob ng bahay. Malaki ang bahay na ito kumpara sa dati namin. Nakasuot ang headphones ko sa akin kaya wala akong marinig na iba pwera sa tugtog ko.

Tinanggal ni Primrose ang headphones ko kaya nilingon ko siya. Nginuso niya si mommy na ngayon ay nakapameywang.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko kay Primrose, tinanggal niya kasi ang headphones ko.

"Kuhanin daw natin yung mga box natin. Kanina pa pinapatanggal ni mommy ang headphones mo kasi wala kang naririnig!" Naiiling na sabi ni Primrose sakin at hinila na ako.

Lumabas kami ng bahay at nagtungo sa truck na nirent namin. Nakasabit sa aking leeg ang headphones ko. Habang binibitbit ko ang aking box. Napaka rami ko pa palang box na dadalhin pataas sa magiging kwarto ko. Nakakamiss din pala yung luma naming bahay. Dahil sa paglipat namin dito ay napalayo ako sa mga kaibigan ko

Ano naman kaya ang pakiramdam sa bagong eskwelahan na papasukan namin nitong si Primrose? I heard it's quite huge and famous university in this city.

Sumipol si Primrose kaya napatingin ako sa kanya. Bakit ba ang hilig niyang putulin ako sa mga iniisip ko?

"Masyadong madami at malalim ang mga iniisip mo! Lumipat lang naman tayo saka balita ko marami raw gwapo sa papasukan natin." She giggled, "Aren't you excited?"

Umirap ako, "Sus! Tapos masasaktan lang tayo? Naku, wag nalang mas mabuting lumayo sa mga ganoon."

Nag kibit balikat nalang siya sa akin. Binuhat ko na ang isa sa mga box kong dala. Naglakad na ako patungo sa bahay. Hindi ko na muna pinansin ang loob ng bahay na ito. Basta ang alam ko ay ang laki talaga nito. Umakyat na ako ng hagdanan at pinili ko ang kwarto na may malaking bintana.

Inilapag ko ang box sa kama ko. Humakbang ako patungo sa malaking bintana ng kwartong ito. Pinilig ko ang ulo ko. May kapitbahay din pala kami? Duh syempre meron. Pero halos magkapareho ang itsura at kahit ng kulay nung bahay na yon saka itong bahay namin ngayon.

Kung lasing ako pwedeng pwede akong maligaw at mapunta sa bahay na yon. Halos walang pinagkaiba tong bahay namin saka sa kanila.

Gumalaw ang kurtina nung bintanang katapat ko. Kulay asul iyon kaya alam kong lalake ang natutulog doon. Unting-unting bumubukas ang kurtina at nagpakita doon ang isang lalake na mga kasing edad ko lang o mas matanda sakin ng ilang taon.

Magulo ang kanyang buhok at mukhang kagigising lang. Naka topless siya habang may tuwalya sa kanyang balikat. Humikab siya at napatingin sa pwesto ko. Nanlaki ang mga mata ko habang siya naman ay kinukusot ang mga mata. Nakikita niya ba ako? Fuck! Syempre naman!

Napatakip ako ng aking mga mata. Shit! Nakakita lang ba ako ng topless na lalaki? Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko. Naka halukipkip siya at nakatingin sa akin. Tinuro niya ako kaya napalingon ako. Walang ibang tao kundi ako lang. Napatingin uli ako sa kanya at tinuro ang sarili ko.

"Ako ba?" I mouthed,

Tumango tango siya sa akin. Ngumisi ako ng hilaw at hindi na mapakali. Okay lang hindi naman niya ako kilala. Binuksan niya ang kanyang bintana kaya binuksan ko rin yung sa akin. Nagpakalumbaba siya doon ako naman ay nakahawak lang sa bintana ko. Ginugulo ng hangin ang kanyang quiff na buhok. Pero kahit magulo yon ay mas bagay sa kanya ang messy hair. Ngumiti siya sa akin at sumigaw.

"Anong pangalan mo?" He shouted,

"Emmanuel!" Sigaw ko. Pero mali.

Sinara ko na ang bintana ko. Ayoko na munang makipag usap sa kanya. Saka ano ako tanga? Bakit ko sasabihin ang pangalan ko sa kanya? Umiling iling ako habang nakangisi. Tumalikod na ako sa kanya pero naabutan ko si Primrose na nakakunot ang noo sa akin. Nakita niya ba kami?

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon