Chapter 11 |
Miserable
Sumilip ako mula sa classroom ko, checking if the coast was clear. Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Napapikit ako at napabuntong hininga. Binuksan ko ang pinto at mabilis na nakisama sa mga studyante. I was using the same pace of walking, pero ang ikinagulat ko ay nang maramdaman ang lamig sa aking katawan.
Someone just throw a bucket full of cold water mula sa second floor at ako ang tinamaan. Naugat ako sa kinakatayuan ko at ang mga nakasama kong studyante dito sa hallway ay natigilan. Pinasadahan nila ako ng tingin at nang makita ko ang mga schoolworks ko na nabasa ay parang bumagsak ang puso ko. Natauhan ang lahat nang may nagbagsak ng bucket mula sa ikalawang palapag.
Lahat nang nakakita sa akin at sa nangyari ay humagalpak ng tawa. Napayuko ako at muling kinuha ang schoolworks ko na nabasa na. Akala ko wala ng ganito sa akin? Bakit parang hindi parin sila tumitigil.
Nangingibabaw ang halakhak ng isang pamilyar na lalaki mula sa second floor. Umigting ang panga ko nang mapagtantong si Riley ang nagbagsak sakin ng tubig! Damn him! Manang mana siya sa nanay niya.
"Bull's eye!" Natutuwang sambit ni Riley.
Tumingala ako para matingnan sila. Nakita ko ang pakikipag apir ng mga nakavarsity jacket na tulad ni Riley. Nakita ko rin doon si Edward at Alexander, they teamed up, huh?
Umiling ako at pinunasan ang aking sarili kahit na basa parin. Napabuntong hininga ako, kailangan ay maging mapagtimpi ako ngayon. Ayokong magkarecord na naman sa detention.
Lumuhod ako para pulutin ang mga kagamitan kong nabasa. Buti nalang at ang bag ko ay naiwanan ko sa classroom. I was just going to study pero sa library. Gumapang ako para makuha ang mga papel. May ibang patuloy na inaapakan na para bang hindi nila alam na may papel doon.
Napangisi ako. Nasaan na si Colleen at Yeshua? Akala ko ba kapag wala si Radleigh sa aking tabi ay proprotektahan nila ako? Nonsense naman pala ang pinirmahan kong kontrata.
May nakita akong sapatos sa aking harapan. Dahan dahan kong inangat ang tingin sa kanya at makita ang lalaking hindi pamilyar sa akin. Seryoso ang kanyang mukha, nakuha agad niya ang atensyon ko dahil sa kakaiba niyang kulay na mata. May pagka shade ng gray ang kanyang mga mata. Katamtaman lang din ang skin tone niya, hindi ganung maputi at hindi rin ganung kamoreno.
May nakasama na naman akong half ang lahi? Parang aso lang, just kidding! Lumuhod din siya gaya ko para tulungan ako sa pagpupulot ng mga papel ko.
"This school sucks..." Bulong niya sabay pulot sa mga papel.
"Yeah..." Nag kibit balikat ako, "Bakit mo ko tinutulungan? Naka varsity jacket ka rin, maybe you're also—"
Inabot niya sa akin yung papel na basa, "Transferee rin ako kagaya mo," He smiled, "Yup we're in the same team, pero hindi ako kasama sa mga ginagawa nilang kalokohan."
Tumango ako sa kanya at kinuha ang mga papel ko sa kanya. Nang nakuha ko na lahat ay niyakap ko ang mga papel ko. Gusto kong umiyak dahil pinaghirapan ko lahat ng ito. Tapos ko na sana ang lahat ng schoolworks hanggang next week. Pero anong nangyari? Nabasa lang.
Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin. Tiningnan ko yon pagkatapos ay sa mukha niya naman ako tumingin, nag aalinlangan ako kung tatanggapin ko. Pinilig niya ang ulo niya at ngumiti sa akin.
"Don't let me hanging."
Napasinghap na lamang ako at tinanggap ang kamay niya. Tumayo ako at nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi. Nakatuon ang atensyon niya sa aking dibdib. Kita ang bra ko dahil sa pagkabasa ng uniform ko.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...