Chapter 46: Long time

74 7 0
                                    

Chapter 46:

Long time

"Siobhan, anak... mag usap tayo," nagpatuloy sa pagkatok si Dad sa pinto ko.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Kakapatawad ko palang sa kanya pero may panibago na naman akong malalaman? Kailan ba matatapos 'to!

"Anak, mag usap naman tayo," panunuyo niya sa akin.

"Dad? Anong nangyari?" narinig ko ang boses ni Primrose.

"Uh, wala ito... 'nak. May tampuhan lang ulit kami ng kapatid mo."

Lumakas ang katok sa pinto ko. Siguro ay si Primrose na ang kumakatok ngayon.

"Imo! Pagbuksan mo na si Dad ng pinto. Paskong pasko tapos ganito pa?" si Primrose.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mukha ko. Binuksan ko ang pinto nang hindi ko pinapakita ang mukha ko.

Gusto kong malaman ang lahat.

"Huwag mo na kaming alalahanin, Prim. Mag uusap lang kami ng kapatid mo. 'Yung cookies mo at gatas ay naiwan ko sa baba..." sabi ni Dad, siguro ay balak na pumasok din ni Primrose sa kwarto ko.

"Fine!" sabi ni Primrose at umalis na.

Humiga na ko sa kama at kinumutan ang sarili ng comforter. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag hikbi.

Bumukas na ang pinto at narinig ko ang mabibigat niyang yabag papalapit sa akin.

"I am the boogeyman of the Lost Arrows' Mafia, Imo. Ako... ako ang isa sa pinaka magaling na hitman. Matagal ko na ring kilala si Radleigh, he's a Revamonte, right? His father is my bestfriend; the Archer of the Mafia. Pati na rin ang parents ni Shannon Colleen at ni Yeshua. I know their parents, anak," paliwanag niya sa akin.

Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Sobrang sakit. Matagal na nila akong niloloko.

"Huwag kang magalit sa tatlo mong kaibigan. Sa totoo lang ay hindi nila alam ang tungkol sa'yo. You as my daughter. Nalaman lang nila na anak kita ay dahil pinakilala mo sila sa akin noon. That's it. Pero noong nalaman nila na anak kita. At nalaman ko ding kaibigan mo sila. Sinabi nila sa akin na proprotektahan ka nilang tatlo. I gave them my trust. Dahil... noong nag asawa na ako at nagkaroon ng anak. Tinago ko kayo para maprotektahan ko kayo. Sumama ako kay Maria which is Riley's mother. Maria is also a lost arrow. Alam niya ang plano ko kaya ako sumama sa kanya. It is to protect you – my family. Pumayag naman siya. Alam ko rin kung bakit. Kasi... alam ko na high school palang may nararamdaman siya para sa akin. Habang kami ng Mama mo. Oo, anak. I am a bad father. I am a user. Pero nagawa ko 'yon para maprotektahan ko kayo."

Narinig ko ang pag singhot niya. He's crying alam ko 'yon. Lalong kumirot ang puso ko. Ang sakit na malamang umiiyak si Dad dahil sa akin.

"Pinalabas ko na pamilya ko si Maria pati ang anak niyang si Riley. Kahit bata pa si Riley ay pinaliwanag ko na pati ni Maria ang lahat. Matalino si Riley. Naintindihan niya agad at pumayag siya kahit na posibleng maging delikado ang buhay niya. Para narin isipin ng Black Spades o kahit sinumang mga rebelde. Ang Mama mo na si Claudine ay hindi kasali sa Mafia. Pero alam niya ang lahat. Maniwala ka sa akin... ginawa ko lamang lahat 'yon para maprotektahan ko kayo. I did not cheat. I just protected you. I will never cheat. Ganoon ko kamahal si Claudine."

Bumangon na ako at hinarap siya. Nakayuko siya at pinupunasan ang mukha gamit ang kanyang palad. Lalong bumuhos ang luha ko. Kitang kita na nahihirapan siya.

"Ginawa kong bumalik sa pamilyang ito dahil mahal na mahal ko kayo. Nag quit na ako sa Lost Arrows. Pero kahit na nag quit ako, delikado parin ang buhay ko pati buhay niyo dahil kahit kailan... hindi maaalis sa akin ang pangalang boogeyman. I'm so sorry, anak... I'm really sorry... hindi ko kasalanang... mapasali sa Mafia... maniwala ka sa akin hindi ko ginusto 'yon."

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon