Chapter 5 |
Sneak out
Kakagaling ko lang namang detention. Dahil binato ng mga kaibigan nila Edward ang isang professor. Natamaan ito sa kanyang batok. Tapos kasama ko ang mga kaibigan ni Edward. Then, the professor asked me kung sino ang gumawa noon. Nagulat nalang ako na tinuro ako ng mga gago! Hindi ako makapag salita non kaya wala akong nagawa.
I dropped my books and my binder. Ngunit, bakit? Simple lang. Dahil sa pagpatid sa akin, making me crash onto the floor. Nagkalat lahat ng homeworks ko saka notes ko sa binder sa hallway floor.
I swear I'm not the clumsy type. Hindi pa ako nadadapa ng ganito dati. Hindi ako nakakabasag ng pinggan tuwing nag liligpit ako sa bahay. It was really because a foot that was in my way while I was trying to find my schedule in my binder. Iyon ang dahilan kung bakit ako napatid o pinatid.
Pinilit kong hindi pansinin ang mga tawanan saka comments sa akin. Gumapang ako para makuha ang mga papel na nagkalat. Sumakit agad ang tuhod ko dahil sa pagkakagapang ko. Napapabuntong hininga ako habang pinapanood ang homeworks ko na inaapakan ng mga dumadaan sa hallway. It was barely a week of school here in Chevaliers and guess what? I'm already bullied.
Hindi ako nerd na nababasa sa mga novels. Isa lang akong normal na studyante. Matalino ako pero I don't have those big glasses. Maganda ako, okay? Kaya sa pinang galingan kong school dati ay hindi ako nagaganito. I have so many friends kahit na hindi ako pala-kaibigan. Sikat ako dahil sa yaman at status namin. Pero ng dahil kay Radleigh? Bumaliktad lahat!
"Ang galing mo talaga Edward!" Natatawang sabi mula sa aking likuran.
"Pasalamatan niyo ang paa ko," Si Edward to sigurado ako,
I gritted my teeth. My papers are crumpling in my clenched fists. Hindi ako nagsalita at patuloy ko paring pinulot ang mga gamit ko na nagkalat. I just sat there on the floor. Students passed by whispered and laughing at me and state. Yung iba ko pang nakukuhang papel ko ay sinipa at inapakan nila—halos mapunit ito.
Umiling ako at mabilis na pinulot pa ang iba. This time I put my binder in my bag pero ang mga libro ko ay hindi dahil hindi na magkakasya sa bag ko. I walked through the hallway. I was shoved at walls, pushed around, and almost tripped by other foots that magically got in my way. Maaga na akong pumapasok at hindi na ako sumasabay kay Primrose after nung nangyari noong first day.
Ayokong madamay siya sa kagaguhan na to. Ayokong may malaman siya nangyayaring ito. Ayoko ng may nag aalala sa akin. Ayoko na maging pabigat sa isang tao. Ayokong dumating uli yung panahon ay mapagod sila kakaintindi sa akin.
Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na nararanasan ko ito. Parang dati sa Xavier's? Napapanood ko mismo sa harapan ko yung mga binubully pero wala akong magawa. Hinahayaan ko lang na masaktan yung binubully. Pero pagkatapos nilang ibully? Tinatry kong icomfort yung victim.
Is this my karma, then?
Wala rin akong pakealam sa mga taong nasa paligid ko. Simula elementary ay hindi ko inuuna ang magmahal o ang lovelife. Nag focus ako sa pag aaral ko kasi gusto ko pag dating ng panahon ay sa isang bansa na ako mag aral. Gusto kong pumayag na si mommy. Saka nasa bucket list ko yung makapag aral ng college sa isang bansa.
Never akong naging second honor lagi akong first. Dahil masasaktan ko talaga ang sarili ko kapag bumaba ako ng isang puntos. Pero kahit ganon? Kahit na may naiinggit sa akin sa Xavier's? Hindi nila ako sinasaktan. Actually iniiwasan nila ako dahil sa family status ko.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...