Chapter 42: Close your eyes

135 16 0
                                    

Chapter 42 |

Close your eyes

Inangat ko ang kamay ko sa harapan kong pinto. I was about to knock when I stopped myself. Napabuntong hininga ako, nag iisip nang sasabihin kapag nabuksan na ang pinto. Buong araw hindi lumalabas si Radleigh ng kanyang kwarto. Si Yeshua at si Colleen ay nag tataka rin kung bakit.

Kumatok na ako. "May pizza ako."

Bumukas ang pinto, Radleigh looked at me gamit ang kanyang mapupungay na mata. Bumaba ito sa aking kamay na walang dalang pizza, at bumalik uli sa aking mga mata. "No you don't," Then he closed the door.

Hindi pa rin ako sumuko at muling kumatok. "Papasukin mo na ko please?"

He opened the door just to tell me, "Ayaw ko," Before closing it again.

Pero bago ito tuluyang sumara ay ipinasok ko ang kalahati ng paa ko sa pagitan ng pintuan. The door paused then tried to close again. He kept on opening it and closing it as if he was trying to break my foot. A bit irritated now, I took my foot away then kick the door open.

Napaatras si Radleigh sa gulat. "Sheesh Hulk, don't break down my door."

"Huwag kang mag toyo porket may nalaman ako tungkol sayo! Huwag ka ngang umiwas sakin!"

Bumuka ang kanyang bibig at kay gustong sabihin. Pero naupo nalang siya sa kanyang swivel chair. Kaharap noon ang kanyang computer at mukha rin itong study table. Sa kanyang ding ding ay may iba't ibang papel at litrati na nakadikit doon. Parang sa nga detective ganoon ba.

Nagpatuloy siya sa kanyang sinusulat habang ang isa niyang daliri e napapahilot sa kanyang sentindo. "Whatever."

Humalukipkip ako at pinanlilisikan siya ng tingin. Umaasa ako na may iba siyang gagawin. Pero patuloy niya lang akong hindi pinapansin. My eyes began to wander around his room again. Sobrang linis ng kanyang kwarto rito sa base, bakit ganoon?

Sobrang manly ng kanyang kwarto at ang kanyang kama ay ang laki. Napalunok ako sa naiisip. May babae na kaya siyang dinala rito?

"So do you always break into people's rooms and look around?" He sarcastically asked.

"Hindi no!—"

"You are, " Pag tatapos niya.

Nakatayo lang ako sa may pintuan niya. Sobrang awkward at nahiya ako bigla. Ano ba itong pinasok ko? gusto ko lang naman siyang tulungan. Napabuntong hininga ako at hindi pa rin gumagalaw sa kinakatayuan ko.

Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok kaya nagulo ito, "How long are you going to stand there?"

"As long as it takes until you can stop being like this," sagot ko sa kanya.

Hinarap niya ko at ngumuso siya, "Stop being what?"

"Not Radleigh like," I said. "You're more moody than me in my time of the month, and that's saying something."

"Hindi kaya!" Pag dedeny niya at agarang sumandok ng ice cream at sinubo iyon.

"You're being all depressed and you're making the guys depressed. You're making me depressed. Namimiss ko na yung pang aasar mo sa akin. Lahat namimiss ko na, Radleigh."

"Anong gagawin ko?" Pag susungit niya pero habang tumatagal ay napansin kong kinakagat niya ang kanyang labi. Paunti unting gumuguhit ang ngiti sa kanyang labi pero pinipigilan niya iyon gamit ang pag kagat doon.

Sumandal si Radleigh sa kanyang upuan at napahugot ng hininga, "Fine, I guess I overreacted there a bit," Tumaas ang kilay ko doon. "Shut up, that's all you can get from me. But after living with this for so many years, especially being made fun of it, you can get insecure about it."

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon