Chapter 1: Care

848 54 1
                                    

Chapter 1 |

Care

"Akala mo natatakot ako sayo? Hindi no!" Tapang tapangan kong sabi sa kanya.

Ngumuso siya para pigilan ang ngisi. Tinanggal na niya ang pagkakakulong niya sakin. Nakahinga ako ng maluwag doon. Tumayo narin siya sa pagkaka squat niya sa harapan ko. Inilagay na niya muli ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. Tinitingnan niya ako pero seryoso ito. Para bang may evil plan siyang iniisip ngayon.

"Let's see then," Suminghap siya, "Ilang araw at ilang oras akong nag hintay sa wala...ng dahil sayo."

Tumayo ako para makatapat siya. Hanggang dibdib niya lang ako kaya tumingala pa ako. Mariin ang pagkakalapat ko sa aking mga ngipin. I gritted my teeth because of my anger towards him. Inamin ko rin naman kasi na hindi ako yung girlfriend niya, e. Hindi ko na kasalanan na nagpumilit siya sakin.

"Ikaw ang may kasalanan! I already told you na hindi nga talaga ako si Shane or whatever who she is."

Tinitigan niya ako at nag iwas siya ng tingin. Umigting ang kanyang panga. Napalunok ako dahil lalong nadepina ang kanyang perfect angled jaw. Nung sumide view siya sakin ngayon. Ramdam ko ang pag pipigil niya sa akin. Siguro kung lalake ako? Kanina niya pa ako pinagsusuntok.

May konting awa rin naman pala siya sa akin kahit papaano kung ganoon? Kailangan ko bang magpasalamat?

"Pero pagsisisihan mo talaga yung ginawa mong pang gagago sakin."

Humalukipkip ako, "Grabe takot na takot ako ngayon. Gusto kong umiyak sa takot," Ngumiwi ako para kunwari umiiyak ako at maasar siya.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Kinagat niya ang labi niya na parang natatawa siya sa itsura ko. Natigilan ako sa ginawa niyang yon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Marahas niya akong inilapit sa kanya. Dinungaw niya ako kasi hanggang dibdib niya lang ako. Nakataas na ang kanyang kilay.

"You don't really know who you played with, huh?" Tumango tango siya, "You'll pay for this, young lady."

Nang nakakuha na ako ng lakas. Tinulak ko siya sa kanyang dibdib. Binitawan na niya ang pagkakahawak sakin. Tiningnan ko ang dalawa kong braso. Namumula ang balat ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Hindi naman sa oa ako or what. Sensitive lang talaga ang balat ko.

"I wasted another time in here," He laughed sarcastically, "You really tricked me and fooled me...big time."

"You're welcome," Nag ngising aso ako sa kanya.

Nang nagkatapat ang mga mata namin. Para siyang may naisip sa kanyang utak. Ngumisi siya ng malapad sa akin at nilaro ang kanyang labi. Kinabahan ako bigla at mukhang hindi ko alam ang umiikot ngayon sa utak niya.

"Or you want to take Shane's place? You want to be my girlfriend. That's why you're pretending,"

Woah! Hindi ko alam na maiisip niya yan. Ako? Magkakagusto sa kanya? Hindi na no! Kahit kailan hindi ko hahayaan ang sarili kong magkagusto sa isang lalake. Ayokong makita ang sarili kong umiiyak sa isang lalake. Ayoko!

Tinuro ko ang sarili ko, "Ako? Gugustuhing maging girlfriend mo? Di na uy!"

"Sus nahiya ka pang aminin. Ayos lang naman sakin kung gusto mo talaga. Kailangan ko ring mapagselos si Shane para bumalik siya sa akin ulit,"

Parang may ipinapahiwatig na siya sa akin. Don't tell me tama ang hinala ko?

"What do you mean?"

"Let's pretend that we are in a relationship. I have to make her jealous so she will eventually come and beg for me, that's it!" Pumalakpak siya at ngumiti.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon