Chapter 49: Confession

98 8 0
                                    

Chapter 49:

Confession

"I can't go. Just enjoy the dinner. I'm sorry."

'Yan ang sinend na text message ni Raja kay Radleigh. Nandito na kaming dalawa ni Radleigh sa restaurant na sinabi ni Raja. Pero hindi niya kami sinipot!

Umigting ang panga ni Radleigh at huminga ng malalim.

"I am going to kill him."

"Radleigh..."

"I will resurrect him then I will kill him again."

I sighed. Hindi na ako nagsalita.

"Damn him! Bakit ba naniwala parin ako sa tangang 'yon?"

"Kakain parin ba tayo? Nakareserve ang table na ito satin."

He glanced at me. "Gusto mo parin ba?"

I shrugged. "Sa akin ayos lang. Sayang din kasi. Ikaw ba?"

Ngumuso siya. "Well... I am hungry. Kumain nalang tayo."

Ngumiti ako. "Alright."

He smiled then motioned his head to find the waiter. He snapped his fingers. Lumapit ang waiter sa amin.

"Two chef's specials please," he said.

The waiter nodded and smiles. "Is that all, Sir Radleigh?"

Ngumisi si Radleigh. Umalis na rin ang waiter. Halata na palagi ngang nandito si Radleigh dahil kilala at close na niya halos ang mga tauhan dito.

Kumunot ang noo ko kay Radleigh. "Ano 'yung inorder mo? Hindi naman siguro salad iyon diba?"

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Of course not. Alam ko na yung mga gusto mo. Don't worry."

"Magkano ba lahat?"

"Why do you wanna know?" he asked, amused of me.

"Gusto ko mag ambag."

He sighed. "You don't have to do that, Imo," he assured me. "It is all me. Please, don't hurt my ego. I don't let girls to pay for my anything."

"Fine. Pero sabihin mo nalang sakin kung magkano. I'm just curious..."

He shrugged. "Alright, then."

Nagdalawang isip pa si Radleigh. Pero sinabi narin niya ang price ng inorder niya.

Nalaglag ang panga ko.

"Ano?!" halos pasigaw kong sabi.

May iilan na napatingin sa table namin. Nanliliit ang mga mata at pinagmasdan ako na para bang hindi ako nababagay sa mundo nila.

"'Wag kana mag-alala don."

Iginala ko ang tingin ko sa paligid. May mga lobsters na buhay pa sa aquarium. May iba't ibanh cakes. Ang daming seafood at kung ano ano pa na appetizers.

Napalunok ako. "I am not w-welcome here-"

Radleigh grabbed my hand, making me stop. "Hey, baby. It's alright. That's why I'm paying so you won't be freaking out."

"A-Ayoko na palang kumain dito," umiling ako sa kanya.

He licked his lower lip. "Why? Don't you like the food?"

"Hell no! Ang mahal nga lang kasi talaga, Rad. Hindi ko kaya na ikaw magbabayad nun. Eh, parang allowance ko na yon!"

"Imo, I am going to pay. You don't have to worry about that," he sighed. "What do you want?"

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon