Chapter 51: Strange

62 9 0
                                    

Chapter 51 |

Strange

"Bitawan niyo ko! Sabing ayoko!" mangiyak ngiyak si Colleen.

"Hindi nga puwede!" sabay sabay naming sabi ni Radleigh, Yeshua, at ni Primrose.

Umiling si Colleen sa amin. "Ayoko nga kasi sabi! Hindi pa ako handa!"

"Ano ba? Para kang tanga! Halika na!" nawawalan na ng pasensya si Primrose.

"Ano kamo? Halikan?" ngumuso si Colleen kay Primrose.

"What the hell, dude?" humalakhak si Yeshua.

Hinihigit naming lahat si Colleen sa kanyang braso palabas ng sasakyan ni Radleigh. Pinag titinginan na kami sa pinag gagawa namin pero wala kaming pakealam.

"Please! No! I am still not yet ready to study!" pag mamaktol ni Colleen.

"Mag aaral ka o mag be-break nalang tayo?" pananakot ni Primrose, binitawan niya si Colleen at humalukipkip.

Namilog ang mata ni Colleen at agad na umayos at hinawakan sa kamay si Primrose. Humalakhak siya.

"Ito naman hindi mabiro. Gustong gusto ka nga pumasok. Ano? Tara na!" niyaya na kaming lahat ni Colleen pumasok ng campus.

I rolled my eyes. Nag tama ang mata namin ni Radleigh. Ngumisi siya sa akin. Nag init agad ang pisngi ko at nag iwas ng tingin.

Seryoso ba talaga to? Boyfriend ko na siya?

Binilisan ko ang lakad para maunahan si Radleigh at kung sinuman sa kanila. Mahigpit ang yakap ko sa mga libro ko. Balik eskuwelahan na naman. Pero hindi ko alam. Excited ako sa pagbabalik!

Pag pasok ko palang ng gate ay may humawak ng braso ko. Napangisi ako at dahan dahang lumingon sa kanya.

"Radleigh-"

Natigil ako nang tumambad sa akin ay ang hindi ko ineexpect! Anong ginagawa niya dito?

"I am not Radleigh," humalakhak siya. "Kinalimutan mo na agad ako, Gen-Gen?"

"D-Drexler, anong ginagawa mo dito?"

"Mag aaral ako dito. Akala ko nga hindi papayag ang principal dahil isang semester nalang naman ang ipapasok ko."

Naka uniform siya ng school namin. Gaya dati ay hindi ko parin siya makilala. Hindi na talaga siya ganun ka inosente kung tingnan. Para narin talaga siyang si Radleigh. Pero hindi ko naman maitatanggi na, yeah, he's hot.

"Uh, good for you. Anong schedule mo?"

Pinakita niya sakin ang schedule nila. Nanlaki ang mata ko nang halos magkaparehas kami! Iisang subject lang ang hindi ko siya magiging kaklase. Tuwing Friday at sa Creative Writing kung saan last subject sa Friday.

"Most of it is the same as mine!" sabi ko sa kanya.

"Oh! Then, that's good!" he wiggled his brows, "Imma stick with you now."

"Drexler, I... I have a boy-"

May humapit ng baywang ko palapit sa katawan niya. Nag angat ako ng tingin at nakita si Radleigh na umiigting ang panga kay Drexler. Napalunok ako. Mas guwapo siya kapag nagagalit.

"What's your problem?" Radleigh asked him.

He is intimidating Drex. Pero si Drexler ay hindi manlang natatakot o kahit na ano sa kanya. He's looking at him blankly. Para din siyang si Radleigh! He also look dangerous at some point. Hindi ko lang maexplain kung bakit.

"I am talking to her. Bakit nanggulo ka?" kumunot ang noo ni Drexler.

Hinawakan ni Yeshua ang balikat ni Radleigh para yata pakalmahin.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon