Chapter 58: Hurt

99 5 1
                                    

Chapter 58

Pagod ang mata kong dumilat, agad kong naramdaman ang iba't ibang emosyon. Naramdaman ko rin ang hapdi sa may pulso ko pati narin ang gutom at uhaw. Iginala ko ang tingin sa paligid, nasa loob ako ng isang maliit na kwarto. May mga bintanang malalaki pero may takip na makakapal na kahoy para hindi ako makatakas.

Ang nag iisang ilaw dito ay pakurap kurap pa. Pakiramdam ko ay napaka dungis kong tingnan ngayon. May mga gamu-gamo pa na nag liliparan doon sa nag iisang ilaw na kumukurap. Walang kalaman laman ang kwarto.

I was about to crawl towards the door but my wrist is tied tightly. Pati narin ang ankle ko ay may tali rin. Hinding hindi ko makakalimutan ang pag traydor ni Drex, son of a bitch! Sa galit at takot ay sumigaw ako para may makarinig sa akin.

"Tulong! Somebody please help me!" I tried to loosen the ropes in my wrist. "Please! Tulungan niyo ko!"

Biglang kumalabog ang pinto. Natigilan ako at biglang nakaramdam ng takot pero mas tumimbang ang galit sa kalamnan ko.

"Tumahimik ka! Kapag hindi ka tumigil kakasigaw mo dyan ay tatamaan ka sakin!" kinalabog niya muli ang pinto.

Napakagat ako sa labi ko. Hindi siya si Drex at hindi ko kilala ang boses niya. Siguro ay isa siya sa mga mafia ni Drex. Pero gutom na talaga ako at nauuhaw na. Hindi ba manlang nila ako papakainin manlang? At gusto kong makausap si Drex!

"Wala akong pakealam sa'yo! Gusto kong makausap si Drex!" tumayo ako kahit na mahapdi ang balat ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa akin. "Bahala ka magsisisigaw lang ako dito hanggang sa mainis ka!"

"Sinong tinakot mo?!" kumalabog ulit ang pinto, napapikit ako sandali doon. "Gumaya ka sa kapatid mo! Tahimik lang!"

Nalaglag ang panga ko. Primrose is here? Buhay siya! Nabawasan kahit papaano ang pag aalala ko sa kanya.

"Nasaan ang kapatid ko? Huwag niyo siyang sasaktan!" sigaw ko sa kanya.

Humalaklak ang lalaki sa labas. Nakakatakot ang halakhak niya, para siyang mas matanda sa akin at alam mong gumagawa ng hindi maganda.

"Kung hindi lang sinabi ni Spade na hindi dapat kayo sinasaktan ay baka lumpo na kayong dalawa ngayon."

Umirap ako at dahan dahang napaupo. Pagod na pagod ako kahit na kakagising ko lang. Ilang araw kaya akong nakatulog dito. Napasandal ako sa dingding at napaisip ng pwede kong gawin para makatakas sa kwartong ito at mailigtas si Primrose.

Naputol ang mga iniisip ko dahil bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang pinaka pinandidirian ko sa lahat!

Nakangisi siya sa akin at may hawak na tray na may lamang tubig at pagkain. May isa pang lalaki na nasa likuran niya para sa kanyang security.

"Boss napaka ingay ng babaeng 'yan. Hindi ba pwedeng turuan 'yan ng leksyon?"

Pinag masdan ko ang nag sabi non kay Drex. Siya pala yung lalaking kumakalabog ng pinto ko kanina! He looked like an addict and some sort of criminal. Nakakadiring tingnan.

Umiling si Drex nang hindi siya tinitingnan, diretso lang ang tingin ni Drex sa akin. I gritted my teeth in anger and in disgust.

"Hindi na kailangan Fred. Ang magkapatid na 'yan ay bait lang para sa mga big fish na kailangan natin. Mag ready na kayo ngayon dahil paniguradong nag wawala na ang mga Lost Arrows dahil sa pagka wala ng magkapatid."

"Fuck you, Drex! How did you do this?!" sigaw ko sa kanya, tumayo ako at pinilit siyang abutin pero hindi talaga kaya. "I trusted you, Drex!"

Humalaklak siya at parang demonyo ang tawa niya. Nag tagis pa ang bagang ko sa kanya. Umiling iling pa siya habang tumatawa.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon