Chapter 4 |
Bruised lips
Hindi ko na talaga kinaya yung tunog ng tiyan ko. Hinahaplos ko ang aking tiyan bago matamang tinitingnan ang mga studyante sa paligid. Baka kasi may mga nakasunod na sa akin or what. Kada hakbang ko ay mabilis akong lumilingon. Walang sumusunod sa akin at normal lang naman ang mga gawi ng mga studyante. May kanya kanya silang usapan. Para akong invisible sa turing nila sa akin.
Mas better na yon diba?
Nakarating din ako sa canteen ng Chevaliers. Nakakamangha talaga ang school na ito. Kahit ang canteen nila ay napakalaki. Ang mga cook ay nakaayos ang uniporme. Kahit ang mga pagkain na nakaserve sa harapan nila? Para pang mga hotel ang itsura. Lalo akong natakam sa mga nakita ko. May pang lunch, desserts or sweets din.
May mga maayos at parang mahahabang table saka upuan. Doon syempre kakain ang mga studyante na kagaya ko. Ang mga upuan na iyon ay colorful pero kada isang mahabang lamesa ay kulay red ang iba naman ay yellow, blue saka green.
Nasa ibang bansa na ba ako pumapasok?
Ang mga studyante ay pormal kahit kumilos. Wala silang pakealam sa paligid. Nagbubulungan parin sila at tumatawa. Pero kay isang table talaga sa pinaka gitna sa dulo yung napaka ingay.
"Naalala ko si Jasper. Nakakabadtrip kasing guard yon sa basketball. Ang ginawa ko sa sobrang gigil ko sa kanya ko mismo ibinato yung bola," Sabay hagalpak ng tawa.
"Mabilis ka naman kasing mabadtrip!" Sabi naman ng isa sa kanya.
Pinanliitan ko ang mata ko para makita kung sino ang mga nakain sa table na yon. Napaka ingay kasi talaga. Kita ko na ngala ngala kapag tumatawa, e. Ang iba nga ay nakaupo mismo sa table. Yung iba naman ay hagalpak ang tawa. Ang mga babae ay hindi mga mukhang bayaran doon. Para ngang ang cool nilang magkakasama at magkakaibigan. Yun nga lang ay napaka iingay wala bang sasaway sa kanila?
Lumapit na ako sa may mga kuhanan ng tray. Nakapila rin ako sa mga nakapila rin. Hindi ko pinapansin ang mga tumitingin sa akin na iilan. Nakatuon ang tingin ko sa mga pagkain sa aking gilid.
"Ano ang sayo?" Sabay hawak ng kanyang tongs
"Isa pong orange juice, pizza saka mozzarella sticks,"
Agad niyang binitawan ang tongs na hawak niya. Kumuha siya agad ng juice na sinabi ko. Marahan at malinis niyang inilagay ang pizza sa platito. Ang laking size ng pizza iyon at kita ko agad ang cheese doon. Dinampot niya muli ang kanyang tongs at kumuha ng mozzarella sticks at inilagay sa platito.
Nginuso niya yung tray ko. Agad ko itong inilahad sa kanya. Nakangiti siyang inilalagay ang mga binili ko sa aking tray.
Umalis narin ako doon sa pila nang matapos na siya. Nakatayo lang ako sa may gilid. Saan ako uupo? Wala naman syemprenh willing na makipag share sa akin. Kasi transferee ako saka iba ang mga tingin sa akin ng mga babae. Si Primrose? Ayokong hanapin dahil paniguradong may mga kasama na siya. Ayokong isipin niya ako ng isipin.
Halos maibato ko ang mga inorder ko. May bakanteng table sa gilid sa unahan na kulay red. Walang umuupo doon dahil nasa tabi nito ang malaking bintana. Masisinagan ka ng araw kapag doon ka umupo.
No choice narin naman ako. Kesa sa kumain ako ng nakatayo mukha akong tanga non dito. Dala ko parin ang aking bag para sa next na subject namin mamaya.
Umupo na ako agad at hindi naman gaanong mainit. Pero nakakairita lang yung sinag ng araw kaya nagmumukhang sobrang ini kahit na wala namang temperature. Agad kong kinagatan ang pizza ko. Kinuha ko sa aking bag ang aking cellphone.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...