Chapter 23: Sangria

239 17 0
                                    

Chapter 23 |

Sangria

"The key to beer pong," I told them in a matter of a fact tone, "Is all about..." Nanliliit ang mga mata ko dahil blurry ang paligid, "—Mathematics."

Ngumisi yung mga lalaki na naglalaro ng beer pong. Lahat sila ay napaisip, "Math? Seryoso ka dyan?"

"Seriously!" I retorted, as I pointed the ping pong ball at them. "It's all about Mathematics! Math, Math, Math!"

"Bakit Math?" Isa sa kanila ang nagtanong.

"It's because Math is everywhere!" Sigaw ko, umikot ikot ako, "When you use money, when you tell time, and even when you play beer bong!"

"It's beer pong..." Someone corrected me.

I rolled my eyes, "Yeah, beer pong."

"Then, show us!"

Humalakhak ako habang umiinom ng juice. Nakita ko ang pag taas ng kilay nila at pag tatanong sa isa't-isa.

"What's so funny?"

"Ahhh, wala lang," Nagkibit balikat ako, "I'm just thinking how funny it will be when I see your faces after I kick your asses in beer pong."

Nang sinabi ko sa kanila na maglalaro na ko ng beer pong. Hindi ko gagawin yung normal na pagbato ng bola sa mga cups. Ang gagawin ko ay aasintaduhin ko ito at patalikod kong ibabato ang ping pong para mag shoot sa bawat cups. I'll make this a challenge, my style.

Napalunok ako at tiningnan sila isa-isa, "Behold, people of this party or whatever, watch as I, Siobhan Imogen Montenegro," Narinig ko ang pagkabigla nang marinig nila ang pangalan ko, "Will make history in beer bong!"

"It's beer pong." Pagtatama uli sa akin.

"Right, beer pong," I said, before looking back at the course. "Okay, let's do this."

Pinasadahan ko ng tingin ang table. Mayroon itong cups na nakapattern na parang triangle. Nagtataka ako bakit nagiging blurry ang paningin ko, juice lang naman ang ininom ko. I calculated the distance of the throw, how much strength I need to put, where the ball will go before being thrown into the red plastic cup filled with beer. Lahat ay tahimik, holding their breath as they watched. I brought my hand back with the ping pong in it. Then at the last minute, tumalikod ako at binato ang ping pong nang patalikod.

I turned back around to see what was happening. All eyes followed the ping pong ball as it made its way through the course. Tumalbog ng tatlong beses ang bola mula sa table, hanggang sa tumama na ito sa isang cup na may nakalagay na juice na iniinom ko ngayon. Narinig ko ang iilan na pag hanga sa pag gawa ko non. Napangisi ako at lumapit sa cup na may ping pong. Kinuha ko ito at ininom ang juice doon. Humarap ako sa mga nanonood at inangat ko ang cup na 'yon. Lahat sila ay nagpalakpakan dahil sa paglalaro ko.

I took a sip of my juice, halos matumba ako sa pagkakatayo ko. Nang makita nila ang sitwasyon 'yon ay agad na may lumapit at sinambot ako.

"Hey, you okay?"

"Maybe you should slow down on whatever you're drinking."

Bumaba ang tingin ko sa baso ko, "Juice lang naman 'to, e."

One of them frowned at that. "That's not just a regular juice, young lady. You're drinking Sangria. And the last time I checked, juice doesn't make you drunk."

Napangiwi ako, "Drunk? I'm not drunk."

"Then, what do you call this?" Sabay turo sa akin.

"Not drunk."

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon