Chapter 47: Nostalgia

96 8 0
                                    

Chapter 47:

Nostalgia

Hinawakan ako sa braso ni Radleigh para mapigilan ako. Pero agad ding lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

Drexler's hand grasped my own to stop me.

Sa oras na 'yon ay nag titigan kaming dalawa. Our hands clasped tightly to each other. His eyes seemed to shine in excitement and I figured it may have also reflected my own. Parehas kaming nakangiti gaya noong mga bata pa lamang kami.

We loosened our grip and we slid our hands back. They turned into fists and we bumped fist, mine above then below his own. We did a short hand-clapping game before doing rock-paper-scissors. He then grabbed my hand and twirled me around, letting a childish giggle escape from me.

But then he stopped me from twirling.

"May nakalimutan ka! May back to back pa-"

Natigilan ako nang agad niya akong hinila para mayakap nang mahigpit. Tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Namula ang pisngi ko. Pero ang nakakalungkot doon, I was torn because, I am hugging my childhood bestfriend and a total stranger.

"Gen-Gen, I missed you so much," sabi niya, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "It's like nothing has changed."

"Pwera nalang dahil nakalimutan mo yung back to back sa handshake natin!"

He chuckled. "Hindi ko na kaya patagalin pa. I just... missed you-"

I heard someone clear their throat.

Kinalas ni Drex 'yung yakapan. Napatingin siya kay Radleigh na nasa likod ko. Blanko lang ang ekspresyon ni Drex, nakakapanibago dahil hindi siya ganito ka-misteryoso noon.

"Who is this guy?" nanliit ang mata ni Drex sa akin, "Is he your boyfriend?"

Ngumuso ako at agad na umiling.

"Uh, he's a friend..." tumingin ako kay Radleigh na ngayon ay nakataas ang kilay. "Drex... this is Radleigh Revamonte-"

Nagliwanag bigla ang mukha ni Drex. Kumunot ang noo ko doon.

"He's a Revamonte?" he smirked. "I noticed."

Naging hilaw na ang ngisi ko. Nakakaramdam ako ng hindi magandang atmosphere ngayon!

"Do you always communicate?" Radleigh asked me.

"Ngayon nalang ulit," I answered.

He nodded slowly and licked his lower lip. Mukhang may iniisip at hindi parin maalis ang tingin kay Drex.

"We moved a lot. Kaya hindi narin ako nakapag paalam kay Gen-Gen noon," he shrugged. "But at least I came back. After all these years..."

You're years too late, Drex.

"W-Welcome back..." nag aalinlangan kong sabi sa kanya.

Tinitigan ko siya. Ang careferee niyang mukha noon ay medyo nagbago na. He look goofy and a bad boy now. Hindi gaya noon na sobrang soft ng features niya. Siguro dahil kaya ganoon ay bata pa kami. Pero hindi ko alam, I just couldn't recognize him anymore.

It is like I am staring at a total stranger.

Maganda narin ang body built niya. Parang kagaya ni Radleigh, Colleen at ni Yeshua. Nakakapagtaka rin na hindi siya naiintimidate sa presensya ni Radleigh. Eh, kung ibang tao ay paniguradong matatakot. Pero si Drex? Hindi.

"Oh! I forgot..." lumingon siya at sinenyasan si Shane. "This is Shane. Just a friend..."

Ngumiti sa akin si Shane. Sumulyap siya kay Radleigh. Tipid na siyang ngumiti sa kanya.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon