Chapter 55: I can't

59 2 0
                                    

Chapter 55 |

I can't

Daddy:

Hi, princess! Salamat sa pangangamusta. Ayos lang naman kami dito sa base na pinag s-stay-an namin ngayon. How's your Mom?

Ako:

She's fine, Dad. Feeling ko miss na miss kana niya. Hindi ka paba puwedeng umuwi?

Daddy:

Hindi pa puwede anak. Pero pangako uuwi ako sainyo. I have to go. I love you!

Ako:

Ingat po kayo Daddy! I love you too!

I turned off my cellphone. Tuwing gigising ako ay ito ang una kong ginagawa. Kinakamusta ko si Daddy. Pagkatapos ay maliligo na ako at mag aayos. Nakakahiya bumaba agad at kumain baka makita pa ako ni Radleigh na may muta pa at gulong gulo ang buhok!

I took a shower and get dressed immediately. I also blow dried my hair. Paglabas ko palang ng kwarto ko ay naririnig ko na agad ang halakhakan mula sa baba. They are having a good time!

"Tara mag rollerblades?" narinig kong yaya ni Primrose.

"Hell no!" mabilis na pagtanggi ni Colleen.

Umalingawngaw ang halakhak ni Yeshua sa baba. Napakunot ang noo ko dahil doon. Naisipan ko munang makinig sa usapan nila.

"Alam mo kung bakit ayaw niya sa rollerblades? Ang tangang iyan ay nahulog sa kanal habang nag rorollerblades noong bata pa kami," kwento ni Yeshua.

Napatakip ako ng bibig at nagpigil ng pagtawa. Jusko, Shannon Colleen!

"Tanga ka rin! Bakit nakita mo ba yung kanal?" tanong ni Colleen.

"Oo nakita ko."

"Pwes ako hindi! Hindi ko nakita! Bwiset ka," iritado na sabi ni Colleen.

Napailing ako at napangisi. Ang saya lang na gigising ako dahil kasama ko sa isang bahay ang mga kaibigan ko at syempre pati ang boyfriend ko.

Grabe boyfriend ko na ba talaga si Radleigh? Hanggang ngayon hindi parin nag si-sink in sa utak ko iyon. He's too perfect for me.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdanan namin. Halos mangatog ang tuhod ko nang maabutan si Radleigh na nakaupo sa sofa namin. Nakadikwatro, ang daliri ay pinaglalaruan ang labi habang ang isang kamay ay nakaakbay sa sofa. Nag tagpo agad ang tingin naming dalawa. Tumaas ang kilay niya at ngumisi. Nag iwas ako ng tingin. Damn it!

Umagang umaga ganun kagwapo ang makikita ko?! Kailangan ko na talagang masanay!

Napalunok ako at lumapit na sa dining area kung nasaan ang kapatid ko.

"Fuck you, Yeshua! Ipakain ko pa sa'yo yang rollerblades mo. Ikaw na ang magaling sa lahat!" pikon na sabi ni Colleen.

Humalakhak lang si Yeshua. Nang makita nila akong tatlo ay nginitian nila ko. Tumabi ako kay Primrose.

"Gising na ang prinsesa!" pag anunsyo ni Primrose at binigyan ako ng sandwich, "Kumain kana, o..."

Tumango ako. "Si Mom ba kumain na?" bumaling ako sa kanya. "Parang hindi na siya nakakasabay sa atin o sadyang nalelate lang ako ng gising?"

Tumawa si Primrose at kinain ang cereal niya. "Kasabay namin siya kanina at oo matagal ka lang talagang magising."

"Hinihintay ka namin Imo," kumindat si Colleen sa akin.

"Awww! Ang sweet niyo naman sa akin," ngumiwi ngiwi ako at tsaka tumawa.

"Hinintay eh pagka gising mo pa nga lang diretso kana agad dito sa kusina!" pagbara ni Primrose.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon