Chapter 53: Done

78 3 7
                                    

Chapter 53 |

Done

Radleigh:

Let's talk.

Pagka basa ko palang ng text message niya para sa akin ay pinatay ko na ang cellphone ko. Kakagising ko lang mula kagabi. Iisang text message lang ang nagawa niyang i-send sa akin.

Hanggang ngayon, hanggang sa magising ako. Hindi ko parin maisip kung bakit nagawa akong lokohin ni Radleigh. Why can't he just tell me that he still love his ex? Hindi 'yung mag chi-cheat siya! Bakit hindi nalang niya tinapos! Sana nakipag hiwalay nalang siya.

Napabuntong hininga ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Sobrang maga ng mata ko, dinaig pa kinagat ng ipis. Makakapasok kaya ako ngayong araw? Hindi ko yata kaya.

"Siobhan?" sabay katok sa pintuan ko. "Anak, pakibuksan 'tong pinto may kailangan akong itanong sa'yo."

Nanlaki ang mata ko, boses ni Daddy 'yon. Shit, shit! Ayokong makita niyang ganito ang itsura ko. Aligaga akong nag hanap ng sunglasses pero wala akong makita.

"Anak? I know you're awake. You're the early bird than your sister," kumatok muli si Daddy sa pintuan ko.

Kumalabog narin ang dibdib ko. Pano na 'to? Ano ng gagawin ko? Fuck! Inayos ko nalang ang sarili ko at binuksan ang pintuan.

Nalaglag ang panga ni Daddy nang mapansin agad ang mata ko. Humikab nalang ako at pinakita sa kanya na hindi big deal 'yon.

"What happened? Umiyak kaba?" tumataas ang tono ng boses niya.

Umiling ako agad at tumawa kahit na sobra sobra ang tahip ng aking puso.

"Hindi po, Dad! Nanood po kasi ako ng movie kagabi bago matulog."

Ayoko naman na sabihin kay Mommy at kay Daddy ang nangyari sa amin ni Radleigh. Baka lumala pa at for sure na papapuntahin pa nilang dalawa si Radleigh dito sa bahay. Ayoko na siyang makita pa kasi sobrang sakit.

Nakatitig lang siya sa mata ko, nag hahanap ng senyales ng pag sisinungaling ko. Pinilit ko pang lakihan ang ngiti ko, pero hindi ko pinahalata na pilit 'yon.

"Sigurado ka sa movie lang 'yan?" paninigurado niya.

"Opo nga, Dad! Gusto niyo panoorin para maiyak kayo ng ganito," humalakhak ako.

He rolled his eyes in a slow motion.

"Nga pala, ayos lang ba sa'yo na sumama sa amin? Just a three days vacation. Kaso pakiramdam ko hindi ka sasama... knowing you... mas gusto mo pang pumasok kaysa mag pahinga-"

I waved him off. Sobrang saya sa sinasabi niya. Bakasyon? Mapapalayo kay Radleigh ng ilang araw? Perfect timing!

"Hell yeah! Sino may sabing hindi ako sasama? Sasama po ako, Dad! Kailan po alis? Ngayon na po ba? Saan po tayo pupunta?" hindi maalis sa boses ko ang excitement.

Ngumiti siya. "Ngayon na mismo anak. Mag impake kana ng mga susuotin mo. Sa Palawan tayo pupunta. I have my own island there."

"Whoa! Seryoso po? Ang aga namang bakasyon nito!"

Humalakhak siya.

"Kaya mag impake kana. Malayo pa ang pupuntahan natin. We'll have a land trip then air."

Tumango ako sa kanya at ngumisi. "Okay po! Mag iimpake na ako."

Bago ko pa maisara ang pintuan ko. Hinawakan niya 'yon para hindi tuluyang mag sarado. Natigilan ako doon at nag angat ng tingin sa kanya. Naging seryoso na siyang muli hindi kagaya kanina. Bigla tuloy akong kinabahan.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon