Chapter 50 |
New Year
"Where are you? Kanina pa kami nandito," hindi mapakali si Colleen.
"Sandali lang. Patapos na ko magbihis!"
"Okay... okay... dude? What the hell? Sabi nga ni Siobhan sandali lang daw! Can't your balls wait?" narinig ko na may kausap sa background si Colleen.
"Damn you, Shannon!" humalakhak si Radleigh.
Sa boses palang niya agad na nag wala ang mga demonyo sa aking tiyan. Ganoon kalakas ang epekto niya sakin.
Napailing ako at nangiti ng wala sa sarili. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
Siguro ay minamadali ni Radleigh si Colleen. Tinawagan ako ni Colleen. Umuwi naman daw ako sa base namin para doon mag celebrate ng New Year. Pinayagan naman ako ni Mommy at ni Daddy.
"Kapag kasi si Siobhan na pinag uusapan. Palagi kang ganyan. Like a mad ape, huh?" pang aasar ni Colleen kay Radleigh.
"Just shut the fuck up-"
"I'm done! 'Wag na kayong mag away dyan. Sunduin niyo na ko!"
"Alright... alright! I'm sorry. Si Radleigh kasi..." then he ended the call.
I opened the door and rushed my way downstairs. Naabutan ko si Mom at si Dad na seryosong nag uusap. Lumapit ako para humalik sa kanilang pisngi.
"Advance happy new year, Mom... Dad..." sabi ko sa kanila nang mahalikan ko na.
"Happy new year, anak..." tipid na ngumiti sa akin si Dad.
Nawala ang ngisi ko. Is there a problem?
"May problema po ba Dad? You look so tired. Mag pahinga naman po kayo," concern kong sabi.
"Yes, thank you. Kulang lang sa tulog, anak, but I will be fine."
Hinawakan ni Mom ang likuran ko. She flashed a comforting smile.
"We are both fine. Pagod lang siya sa trabaho. By the way, I thought Primrose will accompany you?" kumunot ang noo niya. "Aalis kayo ngayon di ba?"
"Si Primrose po sasama sa akin?" nalilito kong tanong.
She nodded. "Susunduin daw siya ng kanyang boyfriend. Ito ang unang beses na ipapakilala niya sa akin ang boyfriend niya."
Namilog ang mata ko. Si Colleen mag papakilala kina Mom at Dad?
Napatingin ako kay Dad. Kaya siguro mukha wala siya sa mood. May ipapakilala pala si Primrose.
May narinig akong yabag ng paa palapit sa amin. Lumingon ako at naabutan si Primrose na naka porma. Malaki ang ngisi niya nang hinalikan si Mom at si Dad.
"Advance happy new year! Excited na excited kayo makita boyfriend ko, ah?" nang aasar na sabi ni Primrose sa dalawa.
"Prim? Really?" natatawa kong tanong. Hindi parin makapaniwala sa gagawin niya.
Tumango siya at humalakhak. "Finally I've got guts to do this! Sana nalang ay mag tagal na!"
Tumayo si Dad at niyakap si Primrose. "Prim, are you really sure about this? Masyado ka pang bata."
"Daddy naman! I know my limitations don't worry and I know... you'll love him too when you start to know him!" she giggled.
I rolled my eyes. Sa kakulitan ni Colleen? Tsaka... kilala na naman ni Dad si Radleigh, Colleen at si Yeshua. Pero alam kaya ni Dad na si Colleen ang ipapakilala niya?
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...