Chapter 56: Missing

84 2 0
                                    

Chapter 56 |

Missing

Naiwan ako sa restroom na nakatunganga mula noong nilagpasan ako ni Shane. Ano ang ibig niyang sabihin? Pero kahit na nalilito ako sa ibig sabihin niya ay nakaramdam ako ng takot.

Naibalik nalang ang wisyo ko nang naramdaman ko ang pag hawak ng mainit na palad sa magkabila kong braso. Nilingon ko siya at agad kong niyakap si Radleigh.

Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko. He hugged me tightly and now suddenly I felt safe in his arms.

"Baby, what did she do to you? Ayos ka lang ba?" malamig niyang sabi.

Sinubsob ko lang ang mukha ko sa dibdib niya at inamoy ang mabango niyang amoy. Hanggang sa maalala ko na nasa girl's restroom nga pala siya!

Agad akong napalayo sa kanya at namimilog ang mata ko. Tinulak ko siya sa dibdib niya para mapalabas siya hangga't wala pa uli na pumapasok sa loob nito!

"I'm fine! A-Ayos lang ako! Lumabas kana muna Radleigh baka may ibang makakita sa'yo-"

Yumuko siya at inangat ang mukha ko gamit ang hintuturo niya na nasa baba ko. Napalunok ako nang mag tapat ang mata naming dalawa. Kumikislap ang maganda niyang mata sa akin.

"Hindi ka okay. Ano nga ang nangyari?" tumaas ang kilay niya at hinahanap ang tingin ko. "Please tell me."

"Sige pero lumabas muna tayo dito," sabi ko at hinigit na siya palabas ng restroom.

Napadpad kami sa labas ng bar. Medyo tahimik na ito kaysa sa loob ng bar na puno ng tugtog at hiyawan. Mas makakapag usap kami dito ni Radleigh ng maayos.

Binitawan ko siya at saglit na tiningnan ang paligid. Mahirap na baka nandito pala si Shane. Humarap na ako sa kanya. Sandali niyang pinasadahan ng daliri ang nagugulo niyang buhok dahil sa hangin.

"Nag usap kami ni Shane kanina."

"I already figured it out..." ngumuso siya at kinuha ang kamay ko. Nilaro niya ang mga daliri ko. Doon lang siya nakatingin.

"She badly wants you back, Rad. Sinabi niya rin na ikaw talaga ang may pananagutan sa dinadala niya. She also looked so stressed."

Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya.

"Pero hindi mo naman ako pinaubaya diba? Tsaka naniniwala ka naman sakin na hindi ko anak iyon."

I shook my head. "Syempre hindi kita pinaubaya at oo naniniwala ako sa'yo."

"Hmm. I'll really hate you if you give me up. Iyon lang ba ang napag usapan niyong dalawa? Did she hurt you?"

"Hindi naman niya ko sinaktan. Pero bago siya umalis ay may sinabi siya sa akin. Pag sisisihan ko daw na nakita niya ako kanina."

Sandaling natigilan siya sa narinig. Kinuha niya agad ang cellphone niya.

"Wala kabang napansin sa kanya na kakaiba? Like a weird tattoo of anything related to cards? Like a Spade shape?" tanong niya sa akin habang may tinitipa sa kanyang cellphone.

I tilted my head. Wala naman akong maalala na ganun sa kanya.

"Wala akong napansin. Sa mukha niya lang ako halos nakatingin nun. Bakit?" kumunot ang noo ko.

Nilagay niya sa tainga niya ang cellphone. Napatingin siya sa akin. His face darkened.

"Something is wrong. Shane already gave us a hint. Hindi ako pwedeng magkamali. Please call your Mom," sa seryosong tono.

"B-But she's your ex, right? Alam mo naman siguro kung rebelde siya."

He took a deep breath to probably calm himself up. Nanginginig na ang labi ko sa naramdaman na takot.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon