Chapter 27: Nervous

303 16 0
                                    

Chapter 27 |

Nervous

My phone vibrated. Dinampot ko ang cellphone ko. Iginala ko ang tingin sa loob ng kwarto. Lahat sila ay nahagok dahil sa antok. Lahat sila ay tulog parin. Kahit si Primrose. Gulong gulo ang buhok ko kaya sinuklay ko ito habang humihikab.

"Hello?" I said, hesitantly.

"Siobhan?" Pamilyar na boses sa kabilang linya.

Napakurap kurap ako. "Mommy?" Tumingin muli ako sa mga kasama ko ngayon. Lalo na kay Primrose! Hindi nga pala kami nakapag paalam.

"I'm sorry, sweetheart, were you asleep?" My Mom asked me, "Nagising ba kita? Masyado pang inaantok ang boses mo. Si Primrose ba ay tulog parin?"

Nakahinga ako ng maluwag. Siguro ay nakapag paalam na si Primrose. Ayaw na ayaw non na napapagalitan kaming dalawa. Kaya tama ako. Siguro nga ay bago naituloy itong sleepover ay nakapag paalam na si Primrose.

"Hindi po, kanina pa po ako gising. Don't worry," ngumiti ako.

"Oh," She said, sighing with relief. "I'm glad, then."

"Tumawag ka po ba para malaman na gising ako? Or something?"

"Or something..." Tumikhim siya, "Guess what?"

"What?" I said trying to hide the impatience in my voice.

Feeling ko ay hindi ko magugustuhan ang mangyayari. Ramdam ko na agad iyon sa boses niya palang. Don't tell me...

"Uh...Pupunta ngayon sa bahay natin ang mga..." Tumigil siya at nagdagdag, "Yung Tita M-Marisa mo...Saka yung anak niya? Y-yung Riley ba—"

The color in my face drained away. Nanginig ang kamay ko. Did she just say the Velasquez? Yung kabit ni Daddy? Ngunit, bakit kailangan mag dinner sa bahay kasama ang mga 'yon?

My mom kept on repeating my name, asking if I was still there. Sobrang higpit ng hawak ko sa aking cellphone. Ang kapal ng mukha nila para makipag kita sa amin. Bakit ba sobrang bait ng nanay namin? Na kahit hindi katanggap tanggap ang isang tao ay patuloy niya paring tinatanggap.

Inaamin ko. Hindi ako kasing bait ni Mommy. Hindi ako kagaya ni Primrose, hindi ako kagaya nila. Kapag galit ako? Galit ako. Hindi ko napipigilan ang sarili ko. Yung mga salitang lumalabas sa bibig ko. Ayokong maging kagaya nila. Kapag sobrang bait mo kasi. Aabusuhin ka nila.

"Siobhan? Hello? Nandyan ka paba?"

Napalunok ako at nag iwas ng tingin. "Y-yup, still here."

"I'm sorry," she said, continuing, "but you and Primrose going to have cut your sleepover short with your friends. You two have to come back for the dinner. Sana naman ay makisama ka this time, okay? B-be friendly naman anak."

Hindi ako sumagot. Pilit ko paring pinoproseso sa utak ko ang lahat.

"Kaya ikaw ang tinawagan ko ay dahil hindi ka tulog mantika gaya ng Ate mo. Oh dear...I don't know what I should cook." Pinipilit niyang maging masaya at masigla para sa akin.

"You should try your specialty, Mom." I offered, "And for dessert, you can make cinnamon rolls, red velvet cupcakes, and some ice cream."

"Y-you're brilliant, Siobhan! Uh...makipag cooperate ka mamaya, ha? Yun lang ang hinihiling ko sayo ngayon. Ayokong pumangit ang tingin ng mga Velasquez sayo..."

I smiled, even though I shouldn't be.

"Siobhan, you really have to go to the dinner, okay?" My Mom asked me.

"Okay..."

"Punta ka dito ng seven, the dinner will start at eight. Nakakahiya naman kung pag hihintayin natin sila nang wala kayong dalawa ni Prim."

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon