Chapter 59: Why are you here?

87 4 5
                                    

Chapter 59

Why are you here?


"Bitch! Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan sa'yo ni Radleigh. You're just a freakin' nerd!" sigaw sa akin ni Shane at binuhusan muli ako ng nagyeyelong tubig.

Pinilit kong iniwas ang mukha ko sa tubig na 'yon dahil nakakalunod. Sunod sunod ang pag hinga ko dahil sa walang tigil na pag buhos sa akin ni Shane ng tubig. Nanginginig narin ang katawan ko at ang labi ko. Pero ang mata ko sa kanya ay nanlilisik parin at pinipilit kong ipakita sa kanya na matatag ako.

"Alam m-mo kung bakit? You... you left him right? P-Paano ka patuloy na mamahalin ng isang tao kung sinaktan mo?" bulyaw ko sa kanya.

Nataas na ang dibdib ko dahil sa mararahas kong paghinga. Nahihirapan parin akong huminga dahil sa pagkalunod. I found her stunned and regretful.

"Tumahimik ka nerd! Wala kang alam," she shook her head and bit her fingernails, "You! You're just messing with my head!"

Sa itsura palang niya ay masasabi na agad na may tama na siya sa utak. Nakakaawa ang batang dinadala niya. Totoong nabaliw na siya dahil sa pagmamahal niya kay Radleigh.

"I'm not messing with your head, Shane. Tinatanong lang kita ng simpleng tanong. Maniwala ka sakin... Radleigh loved you so much. You're his first love... hindi kaba talaga nakokonsensya? Kung totoong mahal mo siya, bakit hahayaan mong mangyari ito? Ang may mangyaring masama sa kanya."

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at bumaba ang tingin sa timbang binuhos niya sakin kanina. I bit my lower lip to stop myself from trembling.

"I know he did love me. Mahal na mahal ko parin siya ngayon. Hindi ba't sinabi ko narin sa'yo na kung mamamatay siya ay susunod kami ng anak ko? We will be together... forever."

Agad akong napabaling sa kanya, she's smiling evilly to herself. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto, bumungad sa amin si Drex at may dala siyang cellphone. Nakangisi siya nang makita ako, nag iwas nalang ulit ako ng tingin at inayos ang pagkakaupo ko.

"Gen-Gen... kamusta naman ang araw mo? Seems like Shane treated you so nicely huh?" humalakhak siya at humakbang palapit sa akin.

"Ayos at masaya naman. Nakaka-enjoy nga sa totoo lang hindi ako naboring-an," Sarcastic kong sabi at tumingin sa kanya.

Nakahawak na ngayon si Shane sa braso ni Drex. Parehas na nakangisi sa akin, they're so weird! Naka ready na si Drex para sa sakuna na mangyayari mamayang gabi o bukas. May baril siyang hawak sa isang kamay at cellphone naman sa isa.

"That's good to hear. May gusto nga pala kong sabihin sa'yo. Para narin makapag paalam ka sa Ate mo," he chukled. "This is important so listen carefully... since we used to be best friends. I'll spare your life... naisip ko na masyadong hassle kapag dalawa ang bait namin. Kaya may naisip ako... I only need one bait... and I choose you..."

Nakuha niya ang atensyon ko. So ang ibig sabihin si Primrose ay makakaalis na? She'll be safe now! Makakahinga na ko ng maluwag. Kahit na ako nalang ang matira rito at torture-rin nila since I am used to bullying. I can handle it.

"Papakawalan niyo na si Primrose?" my voice sounds hopeful.

Nagkatinginan si Shane at si Drex at tumawa. Kumunot ang noo ko habang pinag mamasdan silang dalawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"No. We will kill her now. Para gumaan ang trabaho namin. Kapag isa lang ang bait, mas mapapadali ang lookout namin. Kung dala-dalawa pa kasi pwede pa kayong magtulungan dalawa at baka masira pa ang plano ko!"

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon