Chapter 48: Impress

83 8 0
                                    

Chapter 48:

Impress

"Well if isn't my favorite brother."

Nalaglag ang ice cream na dala naming apat.

"Hindi!"

Colleen dramatically went down on his knees to mourn for his ice cream. Gusto ko siyang tawanan pero hindi ko magawa dahil nahulog din ang ice cream ko sa sahig.

"No!"

Kaya lumuhod din ako at nag mourn sa aking ice cream.

May tumigil na limousine sa tabi namin. Bumaba ang black tinted na bintana at dumungaw si Raja doon.

Nag dilim agad ang tingin ni Radleigh sa kanyang kapatid. "Ako lang naman ang kapatid mo."

"Yeah, pero hindi lang-"

"What the fuck are you doing here, Raja?" he demanded.

"Bakit mo rin kami ginulat? Ayan tuloy! Nalaglag ang mga ice cream namin!" malungkot na sambit namin ni Colleen.

Napabuntong hininga si Yeshua habang kinakain nalang ang cone. "May you melt in peace."

"Nandito ako para kay Siobhan."

Napatingin ako kay Raja. "Anong kailangan mo sa akin?" kumunot ang noo ko.

"I promised that we'll keep in touch, right?" ngumisi siya. "Let's go eat somewhere later please."

Napatigil si Colleen sa pag darasal para sa kanyang ice cream. Nabilaukan naman si Yeshua habang kinakain ang cone niya. Si Radleigh naman ay umigting ang panga.

"Saan naman?" tanong ko.

Napatingin sakin yung tatlo. "Sasama ka sa kanya? Really, Imo?"

"Syempre hindi," umirap ako. "I just want to know what food I could have eaten if I were to go."

"Why won't you go?" ngumuso si Raja. "It's free rich people food."

"I'll let you go if I can go too," sabi ni Colleen.

Raja shook his head. "Sorry. I'm only asking for Siobhan. Siya lang ang gusto kong makasama."

"Edi hindi. Hindi namin siya papayagan na sumama sa'yo."

It was like reverse psychology there. I was irked that he can just say that so casually that I said:

"Okay, then. I will go eat with you."

Pagkatapos nun ay hinatid na ako nung tatlo sa bahay namin. Nag ayos ako ng sarili at nag bihis. Ngayon ay naka sweetheart top at naka boyfriend na jeans and a simple high-heels.

Simple and comfortable.

For the last touch. Hinayaan ko nalang na nakalugay ang buhok kong straight at mahaba. Siguro ay kailangan ko ng magpagupit?

Bagsak na bagsak ang buhok ko. Naglagay na rin ako ng polbo sa leeg ko at sa aking mukha.

Bago ako lumabas ng bahay ay humalik muna ako kay Dad at kay Mom si Primrose naman ay kumindat sa akin.

Pag labas ko ng bahay ay gulat kong tinitingnan si Colleen, Yeshua at si Radleigh na nasa bakuran namin.

"Anong ginagawa niyo dito?" sigaw ko sa kanila. Bigla parin kung bakit sila nasa bahay ko ngayon.

Lumingon silang tatlo sa akin. Napansin ko agad ang pag pasada nila ng tingin sa akin. Si Yeshua ay tulala lang sa akin. Si Colleen naman ay nag iwas na ng tingin. Lastly, si Radleigh naman ay paunti unting ngumiti at nakatitig lang sa mga mata ko.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon