Chapter 35: Date

223 20 0
                                    

Chapter 35 |

Date

"Colleen! Anong password ng laptop mo?"

"Ayoko nga."

"Ang damot mo! Wala naman akong titingnan na iba, e. Manonood lang ako ng movie! Tutal ayaw niyo naman ng mga movies ko. Ayoko na manood sa TV!"

"No..." Umiling iling siya.

Ngumuso ako. "Fine! How much?"

He thought for a second.

"Wow! Si Shannon Colleen nag iisip," Natatawa kong sabi kay Yeshua at kay Radleigh.

"Watch out, it might explode from overuse," humagalpak si Yeshua.

"Wag kang mag alala, Yeshua." Paninigurado ni Colleen. "It won't happen to me like you."

He stopped laughing at that.

"Alam ko na," Colleen snap his fingers. "May fair ngayong week at gusto kong pumunta doon."

"Okay..." Kumunot ang kilay ko. "What's that got to do with anything?"

"For the price of the password of my laptop," He said with a smirk plastered on his face. "Let's go on a date."

"A date?" Ulit ko.

Ngumiti siya at tumango. "Yup, a date."

"A date?" Tanong ni Radleigh.

"Uh-huh."

"A date?" Si Yeshua naman.

Kumunot ang noo ni Colleen. "May echo ba dito?"

"May iba pang choice para sa password ng laptop mo?"

Para bang kumuha ako ng kutsilyo at sinaksak siya sa dibdib niya. Humalakhak si Yeshua at Radleigh doon. Siguro sa tingin nung dalawa ay nareject ko si Colleen. Pero si Colleen naman ay masaya parin ang itsura.

"No, I'm sorry but there isn't." Sagot niya sakin.

"But doesn't a date contradict with the contract? Diba bawal kayo makipag date sakin? I mean serious dating?" I asked him.

Pinag isipan ulit iyon ni Colleen. Hanggang sa biglang nanlaki ang mga mata niya. Para bang gulat siya na ngayon niya lang nalaman iyon.

"Siobhan Imogen!"

Napakurap kurap ako. "Bakit? Tanga ito. Wala naman akong ginagawa, e."

Agad siyang humakbang palapit sa akin. He wrapped his arms around my body. Niyakap niya ako ng mahigpit. Parang gusto niyang baliin ang mga buto ko sa sobrang higpit ng yakap na iyon. Pero the good thing is. Mabango na siya ulit hindi gaya kahapon.

"I'm so sorry!"

"Bakit ka nag sosorry?"

"I'm so sorry for getting your hopes up. It's not that kind of a date."

"Salamat ha?" I rolled my eyes.

Hinarap na niya ko sa kanya. "Did you say something?"

"Me? No, of course not."

"I didn't mean to lead you on or anything," He assured me. "Sa sobra ko kasing daming babae. Date na ang tawag ko kapag magpapasama ako sa isang lugar na gusto kong mapuntahan. Pero hindi ko sinasabi na isa ka sa mga babae ko, ha?"

Inilipat ko ang tingin doon sa dalawa. Nakahalukipkip silang nakatingin kay Colleen. Halata rin sa mukha nila na iniisip nilang. Dude, what's the point? That makes no sense. Like that.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon