Chapter 57 |
The Lamb
My heart beats so fast and it feels like going to burst any damn time! Hindi ko pa alam ang gagawin ko habang namamataan si Radleigh na akay si Colleen na duguan at walang lamay. Tinutulungan narin ni Yeshua si Radleigh. Nakakalapit na sila sa pinto ng mansyon.
Nakaestatwa lang ako at naramdaman ko ang pananakit ng lalamunan ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gusto kong maiyak.
"Get the fuck inside, Imogen!" sigaw ni Radleigh sa akin. "We will talk!"
"Primrose!" sumigaw si Mommy at tumakbo palapit kina Radleigh. "Nasaan si Primrose? Where's my daughter!"
Doon lang ako napabalik sa reyalidad. Wala parin si Primrose at talagang nakuha na siya ng mga rebelde. Napakuyom ang kamao ko sa galit. Napaluhod si Mommy sa harapan nilang tatlo habang nanginginig ang kamay niyang tinakpan ang kanyang bibig.
"She's missing... I'm really sorry..." napayuko si Radleigh sa kahihiyan.
Nang marinig ko ang pag sigaw at hagulhol ni Mommy ay nabitawan ko ang baril. Hinubad ko ang sash na puro bala. Tumakbo na ako at lumapit kay Mommy. Lumuhod din ako at niyakap siya.
"My precious daughter... my sweet Primrose... is missing..." she sniffles and hugged me tightly. "Bakit nangyayari ito sa atin?!"
Hinagod ko ang likuran niya. Tumulo ang luha sa akin. Sobrang sakit ng puso ko at parang gusto ng lumabas sa bilis ng tibok nito. Nanginginig ako sa takot at sa galit.
"I will save her, Mom, and that's a promise," I said.
Hindi ito ang oras para sabayan ko siya sa pag iyak. I need to be strong for us. Ayoko kahit na sa akin, na mismong anak niya ay maramdaman niya na walang pag asa ang pag ligtas sa kapatid ko.
Hinarap niya ako sa kanya. Natigil siya sa pag iyak pero sunod sunod parin ang pag tulo ng luha sa kanyang pisngi. Lumukot pang muli ang mukha niya at hinawakan ang pisngi ko. Umiling siya sa akin.
"Ayokong ikaw naman ang mawala, Siobhan. Ayoko na mawalan!" suminghap siya at niyakap ako. "Hindi ko matatanggap ang sarili ko kapag may masama ring mangyari sa'yo."
"Hindi ko ipapahamak ang sarili ko, Mom. Primrose will be saved trust me."
"I-I'm scared... Ayoko mawalan ng minamahal ngayong gabi please..."
"She'll be okay. P-Primrose is strong and independent," kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag iyak. "She'll make it. We will make it."
Pagkatapos noon ay hinawakan ko na ang magkabilang braso niya bilang suporta sa kanyang pag tayo. Tinanguan ko si Yeshua at si Radleigh na malungkot ang mga mukha na nakatingin sa akin. Nagsimula na silang maglakad.
Tulala na si Mommy habang sinusuportahan ko siya sa kanyang paglakad. Halos magdugo na ang labi ko sa pagkakagat ko nito para hindi na ako maiyak. Suminghot ako at hinatid si Mommy sa kanyang kwarto.
Hiniga ko siya sa kama niya. Ang kanyang kwarto ngayon ay super secured na ang mga bintana. Bulletproof iyon kung kaya'y pwede ito ang pansamantala na base namin para mamaya.
Hinalikan ko siya sa noo niya at pilit na ngumiti. Pinagmasdan niya ako.
"Magpahinga kana muna ngayon. Papunta na si Daddy dito."
Huminga siya ng malalim at tumango sa akin. Nanginginig ang kanyang labi pati ang kamay niya ng hawakan muli ang pisngi ko.
"Pasensya kana kung wala akong nagawang tama ngayon bilang magulang," paos niyang sabi at pinikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...