Chapter 54 |
Kisses
"Primrose, nasaan si Mom at si Dad?" sabay hikab at salin ng gatas sa aking cereal.
Si Primrose ay naka swimsuit na at handa na mag swimming. Kakagising ko lang, sobrang sakit pa ng ulo ko dahil sa pag inom ko kagabi. Isama mo pa yung nangyari sa amin ni Radleigh kagabi.
That was harsh. Bigla akong nakonsensya. Bakit ko nasabi iyon sa kanya? But maybe he deserves it. Hindi na ako iinom ng ganun. Grabe ang lumalabas sa bibig ko. Mag mamaldita ako pero pag sisisihan ko.
"Si Dad ay umalis kanina pang 5 o'clock. Hindi ko lang alam kung bakit bigla siyang umalis," sabi niya habang naglalagay ng sunblock sa katawan niya. "Si Mom naman ay tulog padin."
Umagang umaga ang pangit agad ng gising ko. Nakaalis na si Daddy, hindi manlang nakapag paalam sa isa't isa.
Umupo na ako at kinain ang cereal ko. Tulala pa ako dahil sa nangyari kagabi. Nangyari ba talaga iyon o napaginipan ko lang? Medyo blurred na at kakaonti nalang ang naaalala ko.
"Ayos na ba kayo ni Radleigh?" malisyosong tanong ni Primrose.
Para akong nabilaukan sa narinig. Napainom ako ng tubig at napatingin sa kanya. Tumaas ang kilay niya at ngumisi sa akin.
"H-Hindi. Paano mo nalaman na nag usap kami kagabi? Kasabwat kaba?" kumunot ang noo ko.
"Well, yeah. Sinabi ko sa kanya na nandito tayo. Sa bar ko na kayo dinala parehas kesa dito kayo sa bahay mag babangayan malaman pa ni Dad at ni Mom."
Pinalobo ko ang pisngi ko at gigil na tiningnan siya. Inangat ko ang kutsara ko.
"Walang hiya ka, Primrose!" binato ko ang kutsara sa kanya. Tumatawa siyang nakailag. "Edi nandito siya ngayon, ha?"
"Hmm, hindi lang siya ang nandito. Silang tatlo ang nandito ngayon," kumindat siya bago umalis.
Napabuga ako ng hangin at napasabunot ng buhok. Hindi pa ako nakakapag hilamos at suklay manlang. Sobrang sakit pa nga ng ulo ko. Bakit ba hindi ko naisip na kasabwat siya ni Radleigh? Naalala ko nung time na napanood naming lahat ang video, si Primrose lang ang tanging may tiwala sa kanya.
"Urgh! Ang tanga mo, Siobhan!" I groaned, tinapos ko ng mabilis ang breakfast ko.
Mabilis akong nag ayos at naligo. Nag suot na rin ako ng pang swimming. Just a simple black rashguard and a white bikini bottom. Tinali ko ang buhok ko at lumabas na.
Naabutan ko si Primrose na may kasamang lalaki sa dagat. Masaya silang nag tatampisaw. Nanliit ang mata ko para mas makita ko ng malinaw. Pero malabo talaga ang mata ko. Hindi ko makilala ang kaharutan niya doon.
Napabuntong hininga nalang ako at nagpasya na lumapit sa kanila. Naugat ako sa kinakatayuan ko nang makita si Radleigh na naka board shorts at ang kanyang gold cross na necklace. Kumikinang pa ang diamond earring niya dahil sa sinag ng araw. Ang kanyang tattoos ay kitang kita sa maputi niyang balat. Medyo ginugulo ng hangin ang buhok niya. His body is well-built, kahit titigan lang ay masasabi na magaling siyang magpatumba ng kalaban. His biceps didn't except my eyes.
Naabutan niya akong nakatingin sa kanya. Tumaas ang kilay niya at inirapan ako. Aba! Ang lakas niya siya na nga itong nag loko tapos siya pa tong mag susuplado.
Inirapan ko rin siya at lumapit kay Primrose at sa kasama niya.
"Siobhan!" boses ni Yeshua iyon, a?
Lumingon ako at naabutan si Yeshua na tumatakbo palapit sa akin. May hawak na surf board. Namilog ulit ang mata ko. Dalawa na sila! Si Colleen nalang ang kulang! So nandito talaga silang tatlo?
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...