Chapter 7 |
Surprised
I stared blankly at my ceiling. Inaalala ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ko makalimutan yung reaksyon ng mga gago nung nalaman nilang ako yung sinasabi nilang babae ni Colleen. Nakakatawa ring isipin na nakapag cutting class ako.
Napatingin ako sa varsity jacket na nakasabit sa swivel chair ko. Napangiti ako at muling naalala yung sinabi niya sa akin kagabi.
"Today was fun, Siobhan." He said, "Let's do it again sometime."
"Talaga?" Habang itinataas ko ang kilay ko.
Tumango siya sa akin. "Yes, really. And besides, since the guys already saw us together, pwede na tayong mag sama ulit, diba?"
Tumango ako at ngumiti. "Yup may point ka don, talino mo don."
"Can we be friends?" Inangat niya ang pinky finger niya, "Please? I will protect you from my team, lalo na kay Rad."
Inangat ko rin ang sa akin, "Sure, why not?"
Tumawa siya at nag pinky promise kami sa isa't isa.
"See you, Siobhan. Good night!"
"Good night, Shanno—Colleen."
I left the car and walked up towards my house. Lumingon muli ako at kumaway sa kanya. Nakabukas din ang bintana ng kanyang sasakyan at kumaway din sa akin mula sa labas. He began to drive away. But it was then I looked down myself and I remembered I was still wearing his jacket.
"Colleen! Yung jacket mo!" Sigaw ko habang tinatanggal ang jacket niya.
Inilabas niya ang kanyang ulo mula sa bintana. "Keep it!" He called back at me, "It looks good on you."
Umiling ako at ginulo ang aking buhok. Bakit ba wala parin akong kaibigang babae? Well, swerte narin naman ako kay Yeshua at kay Colleen. Pero si Radleigh? Hindi ko yata siya kayang tawagin na kaibigan ko. He's a blackmailing prince!
Napahawak ako sa aking labi. Hindi ko aakalain na magagawa akong halikan ni Radleigh ng ganon. Napadugo niya ang labi ko at alam kong nagpantal yon nung hinalikan niya ako. Alam ko narin ang dahilan kung bakit kinakatakutan siya sa school. Because he's an asshole! Hot asshole ganon.
Ano naman kaya ang mangyayari sa akin sa Monday? Paniguradong gulo yon dahil pinagtripan ko si Edward. Mukha talaga silang tanga nung nasa burger shop.
Naputol ang mga iniisip ko dahil sa kalabog na narinig ko sa veranda. Agad akong napabangon sa pagkakahiga ko. Umagang umaga at yon ang salubong sakin—kalabog. Kinuha ko agad ang baseball bat ko at mahigpit na hinawakan. Bakit ba kasi nakalimutan kong i-lock a sliding door?
Humakbang ako patungo sa dingding malapit sa sliding door. Huminga ako ng malalim para makakuha ng lakas. Naririnig ko narin ang mabibigay niyang hakbang papalapit sa akin.
Bago pa nila ako makita ay mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko. Halos lumabas ang lungs ko sa pagkakasigaw ko dahil sa gulat!
"We're here to kidnap you, Montenegro."
He grabbed me by the back and cover his hand to my mouth. Hindi ako makasigaw—mali, nakakasigaw ako pero hindi ito malakas para marinig ako. Patuloy akong sumisigaw at nabitawan ang baseball bat. Tinatanggal ko ang kanyang kamay na nakatakip sa akin.
"Please stop screaming. Nalalawayan mo na yung kamay ko."
Patuloy parin ako sa pagpupumiglas at sa pag sigaw. Kahit na sinisipa sipa ko siya ay hindi siya nagagalawa manlang. Hindi siya nasasaktan at naririnig ko ang mararahan niyang tawa sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...