Chapter 18 |
Butterflies
Yakap ang aking mga libro ay isinara ko na ang locker ko. I need to study for our next week's long test. Yes, next week pa naman pero wala, e. Bored ako saka nagtataka ako bakit hindi ako ginugulo nung tatlo ngayon.
May sumipol sa aking likod. Agad kong hinarap kung sino yon para sana mamura dahil sa biglaang sipol niya. Nakakatakot kasi dito sa locker area, ako lang ang tao rito. Dahil balita ko'y pagkatapos na ng klase ay may basketball game ngayon. Kaya lahat ng mga studyante ay pumunta sa court at nanonood ng laro or manonood pa lang.
Naka jersey siya na pang basketball at sapatos na pang basketball niya rin. Ang kanyang buhok ay basa sa may tuktok kaya ang kanyang bangs ay medyo nahaharangan ang kanyang mga mata. Ang kanyang bimpo ay nakalagay sa kaliwa niyang balikat. Kitang kita ko ang kanyang biceps—
"Hi, Siobhan." Sinalubong agad ako ng ngiti ni Colleen, "Nood ka naman ng laro namin ngayon, oh? Hinanap pa kita bago mag simula ang game."
Napabuntong hininga ako. "Kailangan kong mag aral para sa next week na long test natin sa calculus." Humigpit ang yakap ko sa aking libro, "I don't have any time for that, I'm sorry."
"Please, Imogen, please? Wala akong fans kundi ikaw lang." Sabay nguso niya sa akin.
I licked my lower lip. "Fine! Nakakaawa ka naman, e."
Kinagat niya ang kanyang labo sabay ngisi. Agad niya akong inakbayan at binuksan ang locker ko, pinasok niya doon ang mga libro ko at muli itong isinara. Hindi na ako nagprotesta pa dahil wala narin naman akong magagawa pa. Si Shannon Colleen ang kausap ko ngayon, hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako napapapayag sa gusto niya.
"Yes!" Nagsimula na kaming maglakad, "Finally, may isa narin akong fan."
Umirap na lamang ako at sumunod sa kanyang mga lakad. Hindi parin kami nakaligtas sa mga tingin ng mga tao. May halos mabali na ang leeg dahil sa kakahabol ng tingin. Pero si Colleen ay walang pakealam sa paligid, dapat ay ganoon din ako, diba? Wala namang malisya to sa aming apat. Saka hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya na wala siyang fans, really? Lahat ng babae rito sa Chevaliers ay naging girlfriend niya.
May collection of girls na kailangang kolektahin si Colleen, girls beware! Uso ang mga lalaking ganon ngayon hays.
Porket ba puro lalaki ang kaibigan ng isang babae, malandi na agad? Hay, napaka dami talagang judgemental na tao ngayon.
Ginala ko ang paningin sa bleachers mas maraming tao sa madalas na laman nito. Tingin ko'y naandito rin ang ibang studyante mula sa makakalaban ngayon nila Colleen. Chevaliers versus Gillford ang maglalaban ngayon. Mukhang mainit ang laban nito, dahil sa pagkakaalam ko ay ang school na yon ay kasing pantay lang ng Chevaliers at may mga mas sikat na studyante rin gaya ng mga kaibigan ko.
Nakita ko agad si Primrose kasama ang isa niyang kaibigan na hindi ko pa kilala. Nasa bleachers silang parehas, nag uusap at tumitili. Pero umiikot ang ulo ni Primrose tila'y may hinahanap sa court.
Hindi pa nagsisimula ang laban ngunit mainit na agad ang mga tao. Kita ko si Yeshua na nag s-shoot ng bola na kulay navy blue ang jersey gaya ng jersey ni Colleen. Ang kanyang muscles sa braso ay nag f-flex tuwing siya ay nag s-shoot ng bola. Dahil doon ay mas lalong umiingay ang paligid, may mga babaeng pinapaypayan ang sarili gamit ang kani kanilang mga kamay.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...