Chapter 22 |
Night out
Huminga ako ng malalim. Nasa tapat na ako ng pinto ng bahay namin. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi ako makagawa ng gulo. Pinilig ko ang ulo ko at kumuha ng lakas para buksan ang pinto at pumasok na sa loob ng bahay.
Pag pasok ko pa lang ay naamoy ko agad ang halimuyak na bango ng niluluto ni Mommy. Wow, grabe talaga magmahal si Mommy. Kahit na niloko at pinagpalit na siya sa iba ay nagagawa niya paring tanggapin si Daddy. Ganon talaga 'pag mahal mo no? Magiging tanga ka talaga.
"Siobhan!" Masayang sabi ni Mommy, agad niya akong niyakap. "Please, make an effort for your father..."
"Hindi niyo na kailangan sabihin sakin 'yan," Bumuntong hininga ako, "Alam ko na ang mga gagawin ko, and he deserves my coldness. Wala na kayong mababago doon, I'm sorry."
Bumitaw si Mommy sa pagkakayakap sa akin. Napapikit siya na para bang nahihirapan din siya kahit papaano sa sitwasyon namin ngayon. Nag iwas ako ng tingin at nagsimulang humakbang patungo sa dining area. Alam kong naandon si Primrose saka ang tatay ko.
Gusto kong masuka sa pagkakasabi ng tatay ko. Tatay paba ang tawag sa katulad niya? Kahit araw-araw niya kaming kinakamusta, nasa kabit naman siya nakatira.
Natigil ako sa paglalakad. Bumungad sa akin ang nakatayong pamilyar na pigura sa aking harapan. Dahan-dahan siyang ngumiti and he spread his arms to hug him. Bubuka pa sana ang bibig niya pero nag iwas na ako ng tingin at agad na nagsalita.
"Don't even think about it," Umupo na ako sa tabi ni Primrose, hindi ko sila tinitingnan.
Umupo narin siya sa tapat ko. Bakit ba kaharap ko ito? Nakakasira talaga ng araw. Nakakairita makita yung pagmumukha ng isang taong sinaktan ka, 'no? Lalo na't kapag may kapal ng mukha.
He sighed, "Anak—"
Tumawa ako, "I'm not your daughter."
Tumikhim si Mommy, "Siobhan watch your mouth."
Siniko naman ako ni Primrose. Pero wala akong pakealam sa irereact nila. I'm trying my best to treat him like a ghost, okay? Sa totoo lang ayokong kinakausap si Daddy.
"No, Claudine, ayos lang..." Bumuntong hininga siyang muli, "Imo, kamusta kana? Hindi mo na sinasagot ang mga texts ko kahit sa Facebook—"
"I deleted my Facebook and my Skype, I also changed my phone number," Tuloy-tuloy kong sabi, kumuha ako ng ulam at kanin sa aking plato, "Wala akong oras para makipag usap sa manloloko."
"Siobhan! Hindi kita pinalaking ganyan!" Padabog na umupo si Mommy sa tabi ni Daddy na katapat niya si Primrose, "I'm sorry Hades, about our daughter. Masyado lang itong pagod sa kanyang school kaya mainit ang ulo..."
Umiling ako habang nakangisi. Bakit ayaw niya sabihin na sobra parin ang galit ko sa katapat ko ngayon? Bakit kailangan niyang pagtakpan ang feelings ko? Hindi parin ba obvious na galit na galit ako sa tatay ko? Tanga nalang ang maniniwala sa paliwanag ni Mommy.
Hindi ako nagpalit ng sim, pero totoong dinilete ko ang mga social media apps ko. As in lahat ay deleted.
"Pa, kain nalang po tayo..." Primrose awkwardly laughed, "May regla lang po itong si Siobhan, hindi pa kayo nasanay dito."
Sinimulan ko ng kumain ng hindi sila pinapasadahan ng tingin. Hindi ako nakakain sa Cafe na pinuntahan namin kanina nila Radleigh and Colleen. Kahit na nakatuon ang atensyon ko sa pagkain sa aking harapan ay ramdam ko ang titig sa akin ni Daddy.
"Balita ko, Claudine..." Huminga siya ng malalim, and forced a smile. "Hindi parin nawawala sa honors itong si Imo?"
Tumawa si Mommy, "Syempre, kahit kailan ay hindi bumaba yan ng pangalawa. Palaging pang una 'yan!"
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...