Chapter 25 |
Jealous
Napatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko yata makakayang makaharap si Radleigh. Dahil naalala ko lahat, yung mga nangyari kagabi.
Kapag sinabi kong naalala ko lahat, I don't mean some flashes of what happened last night like some sort of flashback powerpoint. Ang ibig kong sabihin ay lahat, as in lahat naalala ko mula sa bawat detalye. Drinking too many Sangria, being strangely good at beer pong, that almost kiss with a stranger, that other almost kiss with Radleigh, and then that successful kiss on the cheek with Radleigh.
Napapikit ako at napatalukbong ng unan. Sobrang sakit ng ulo ko, parang minamartilyo sa sakit. My head's really pounding just like my heart. At isa pa, dalawang linggo or isang linggo na dito titira si Daddy.
Hanggang sa may narinig akong kumakatok sa aking kwarto. Alam kong si Primrose 'yon, magkaharap lang din naman kasi kami ng kwarto.
"Siobhan! Tara na kain na tayo!" Patuloy niya parin akong kinakatok.
"Ayokong pumasok! Ang sakit ng ulo ko, Prim!" Pagmamaktol ko at nagpagulong gulong sa aking kama, "Parang gusto ko nalang matulog ng buong araw ngayon. Damn!"
"Ano? Tanga, walang pasok ngayon! Holiday. Saka pakibuksan itong pinto, may sasabihin ako..." I heard her frowned, "Please? Kailangan ko ito ngayon."
Nagkasalubong ang kilay ko. Napabuntong hininga ako at hinihilot ang akong sentido. Hinding hindi na ako uulit sa mga ganong party! Saka holiday? Hindi ko na namalayan, hindi rin naman kasi ako laging nakatingin sa kalendaryo.
"Mamaya ka na pumasok dito. Maliligo muna ako," Inaantok kong sabi, "Be right back!"
Delikado na baka maamoy pa akong alak nito. Kinusot ko ang mga mata ko at sinuklay ang buhok ko. Maliligo muna ko bago lumabas ng kwarto ko. Ang aircon lang ang naging ingay sa kwarto.
Pagkatapos kong maligo ay tinutuyo ko na ang buhok ko gamit ang tuwalya ko. Nakatitig lang ako sa bintana ko na nakatapat sa bintana ni Radleigh. Ano kayang ginagawa non ngayon? Dinampot ko ang cellphone ko at tiningnan kung may message doon si Radleigh.
Ngunit, meron! Kaya agad ko itong binuksan at binasa.
Radleigh:
Good Morning! How's your head? :)
Ako:
Good Morning. Ayun ulo parin naman.
Napatalon ako ng may biglang kumatok ulit sa pinto. Napairap ako at binuksan ito, tumambad sa akin ang inaantok pa na si Primrose. May inabot siyang papel sa akin. Kumunot ang noo ko nang pinasadahan ko ng tingin iyon.
"Ano 'to, Prim?"
"Papel na may listahan." She said sarcastically, pinanliitan ko siya ng mata kaya agad siyang nag dagdag. "Just kidding! Ubos na ang napkin ko saka bilhan mo ako ng donut. Nakisabay narin pala si Mommy ng mga grocery."
Bumabang muli ang tingin ko sa listahan. May mga pagkain at kung ano ano pang kailangan sa bahay na bilihin saka mga kaartehan na alam kong para kay Primrose. Lahat ng nababasa dito ay mabibili lahat sa grocery store.
"Prim, bakit hindi nalang ikaw ang bumili? Mukhang sayo naman talaga pinapabili ni Mommy 'to..." Kumunot ang noo ko habang tinititigan siya.
Tumawa siya at nag kibit balikat. "Ikaw nalang bumili. Saka mayroon ako ngayon! Ang sakit ng puson ko, saka masipag ka naman."
Umirap na lamang ako. I hate being the second child! Bakit ganoon? Kapag sa mga panganay inuutos lahat. Ipapasa naman nila sa nakakabatang kapatid. Dahil tayong mga bunso ay mababait. Sunud-sunuran naman kami sa mga panganay. Saka kapag lumaki ang mga panganay na may kapatid na nakakabata sa kanila. Lalaki talaga silang mapang asar.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...