Chapter 45 |
Lies
"Merry christmas!" bati namin sa isa't isa.
Umuwi muna ako dito sa bahay. Hindi ako sa base nag pasko. Si Colleen at si Radleigh ay palagay ko magkasama ngayong pasko. Si Yeshua naman ay umuwi raw sa kanila.
Nang magtama ang mata namin ni Daddy ay paunti unti naglaho ang ngisi ko. Kahit na palagi nang nandito si Dad ay hindi parin mawala sa isip ko na niloko niya kami. Pero nagpapanggap ako na ayos na ako sa kanya para na rin kay Mommy.
"Merry christmas, anak," ngumiti sa akin si Daddy at aambang yayakap sa akin.
Sumulyap ako kay Mom na ngayon ay nakangiti sa akin. Hoping that I would hug and greet my father back. Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan na yakapin ako ni Dad.
Siguro ay panahon na din para magpatawad ako. Dahil kahit papaano ay tatay ko siya. Matatanggap ko din siguro ang lahat. Sana...
I hugged him back. I felt him stiffened for a second. Probably shocked because I hugged him back. Meaning... I... I am starting to forgive him.
"Salamat, Imo... maraming salamat," napapaos niyang sabi sa akin at naglahad ng regalo sa akin.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha. Napaka emosyonal ko talaga pagdating sa kanya. Kahit na may nararamdaman akong galit para sa kanya, hindi ko naman maitatanggi na mahal ko siya.
Tinanggap ko ang regalo. "Thank you, Dad."
Pumalakpak si Mom at niyakap ako. Nakarinig ako ng sunod sunod na tunog ng cellphone. Umikot ang mata ko at nahagip ko si Primrose sa malaking lamesa namin na may iba't ibang handa.
Malaki ang ngisi niya habang may binabasa sa kanyang cellphone.
"Mabuti naman at paunti unti mo nang tinatanggap ang daddy mo. Thank you, anak," bulong sa akin ni Mom.
Hinaplos ko ang likuran niya. Hindi pa rin inaalis ang mata kay Primrose. Hanggang sa napatingin na rin siya sa akin. Agad na nag init ang pisngi niya at tinago ang cellphone sa kanyang bulsa.
"Siobhan! Napaka chismosa talaga!" natatawa akong inirapan ni Primrose at tumayo na rin para yakapin ako.
Humalakhak ako. "Hinihintay ko na sumali ka sa amin. Pero nandun ka sa sulok! Ngingiti ngiti ka pa!"
"Siobhan!"
"Ano kamo, Imo? May nakakausap na itong kapatid mo?" nanliliit ang mata ni Dad kay Primrose.
Kumalas ng yakapan si Siobhan at iiling-iling kay Dad.
"Wala po, a!"
"Ano kaba naman! Dalaga na rin yang si Primrose hayaan mo na," kindat ni Mom kay Primrose.
"Ma!" namumula na ang pisngi ni Primrose.
Humalakhak lang ako nang nanlisik ang mata ni Primrose sa akin. Pagkatapos ng kaunting asaran ay nagsimula na kaming kumain.
Sa kalagitnaan ng asaran sa hapag ay nag vibrate ang cellphone ko. Nag message sa akin yung tatlo.
Yeshua:
Merry christmas my Imogen! Miss na kita agad!
Colleen:
Merry xmas Imo! <3
Radleigh:
Merry christmas :)
Talagang sabay sabay pa sila bumati. I messaged them all back. Maya maya ay muling nag vibrate ang cellphone ko. Tumaas ang kilay ko nang mabasa ang hindi ko inaasahang tao.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...