Chapter 6: His cousin

521 39 2
                                    

Chapter 6 |

His cousin

I was about to drop my tray. Pero bago pa nila ako mapatid ulit inangat ko ang pag hakbang ko. Nginitian ko yung pumapatid sakin kanina pa. Hindi si Edward ito dahil babae ito. Inirapan niya ako nang nginitian ko siya dahil palpak ang plano nila ng mga kaibigan niyang toxic.

Isang linggo narin ang nakalipas pagkatapos ng huli naming pag uusap ni Radleigh. Hindi ko siya nakikita sa school. Hindi siya pumapasok or pumapasok siya pero iniiwasan niya ako sa tuwing magkakakita kami sa schedule. Akala ko magiging maayos yung desisyon ko ngayon. But guess what, mas lalong lumala at dumami ang bullies sa akin.

Wala narin akong nararamdaman sa tuwing sinasaktan nila ako. Manhid na ako kasi almost every single day ko nararanasan ang mabully. Ayokong pumalag dahil hindi naman ako magaling saka ayokong magkaroon ng pangalawang detention record. Well, sa sobrang grade conscious ko ay para akong nerd. Pero hindi talaga ako nerd! I just love the idea of reading my books. Yung hindi maalis sa achievers—once na naging pangalawa ako ay hindi ko matatanggap ang sarili ko.

Pero kung si Primrose ang naging dahilan ng pagiging pangalawa ko? Ayos lang naman sa akin. I just love her as my sister. Wala na yata akong mahihiling pa sa kanya saka kay mommy. Ever since when I was a kid. Palagi akong nagpaparaya para kay Primrose kahit na wala siyang hinihingi sa akin. Kung saan siya masaya ay masaya narin ako.

Ipinatong ko na ang tray ko sa table. Umupo ako at inilagay sa leeg ang aking headphones. Makita ko pa lang ang cheese sa aking pizza ay naglalaway na ako. Nagtataka rin ako dahil walang alam si Primrose sa nangyayari sa akin. Kahit na tinatanong niya ako kung nasaan ako dahil hindi niya ako mahanap sa school.

Ginagamit ko narin ang sarili kong sasakyan para hindi kami magsabay. Ayoko lang talaga na madamay siya sa gulong ito.

Kinagatan ko ang pizza ko habang mariin na tinitingnan ang mga studyanteng bumibili ng pagkain. Nasaan kaya si Yeshua? Ilang linggo na pero hindi siya pumapasok. Hindi ko na siya nakita pagkatapos niya akong ipagtanggol nung first day. Nakakatawang isipin pero nung first day na iyon ay naging masaya ako kasama siya. He's friendly and funny. Nalaman ko rin na isa siya sa mga sikat—kinakatakutan sa Chevaliers.

"Hindi ko alam kung bakit kayo sumusunod doon. Siobhan's hot, dude!" Narinig ko mula sa ibang tables

"Yeah, actually I like her,"

"I heard she's Radleigh's, is that true?"

"Ayaw parin pumayag ng babaeng yan. Kaya hindi parin tayo pinapatigil ni Radleigh na guluhin siya para pumayag na sa kanya."

I rolled my eyes

"That sucks."

Naputol ang pakikinig ko sa mga lalaking nag uusap sa ibang tables. Dahil may nagtakip ng mga mata ko. Agad kong hinawakan ang kamay na nakatakip sa akin. Nagpanic ako pero sabi niya ay hulaan ko raw kung sino siya.

"Yeshua? Is that you?"

He chuckled. Kinurot niya ang ilong at pinang gigilan ang pisngi ko. Siniko ko siya mula sa likod at umupo na siya sa harapan ko. Speaking of! Nakaupo na siya harapan ko. Hindi matanggal sa mukha ko ang ngiti.

"Saan ka galing? Gago ka namiss kita!" Nguso ko.

Wala siyang dalang pagkain. Pero nakuha niya agad ang atensyon ko. Dahil sa pasa niya sa gilid ng kanyang labi. Parehas silang may pasa ni Radleigh pero si Radleigh naman ay sa may panga.

"I missed you too, Siobhan." He sighed, "Sorry dahil ngayon lang ako nagpakita sayo. I have something to take care of..."

Tinuro ko ang kanyang pasa, "Yan ba ang naging sukli ng sinasabi mong something to take care of ?"

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon