Chapter 3: First day gone bad

608 51 2
                                    

Chapter 3 |

First day gone bad

Primrose snap her fingers. She caught my attention. Kumunot ang kilay ko sa kanya. Ang kutsara ko ay nasa aking bibig. Si mommy naman ay abala sa kanyang trabaho. Kahit na umagahan ay nasa tapat niya ang kanyang laptop.

"Anong problema mo?" Tanong ko kay Primrose,

"Ang bagal mo kumain. Malelate tayo niyan sa bago nating school,"

Inirapan ko siya, "Excited ka kasi maraming gwapo doon, saka hindi na ako excited pumasok. Nawalan na ako ng gana, nakakatamad pala,"

"Sus! Ang sabihin mo iniiwasan mo ang boyfriend mong si Revamonte yieee!" Pangangatyaw niya sa akin.

Babatukan ko sana siya nang nagsalita si mommy. Napakagat ako ng labi habang lumilingon sa kanya.

Binaba niya ang kanyang salamin, "Tama ba ang narinig ko? May boyfriend kana, Siobhan?"

Napalunok ako at napakamot sa aking ulo. Narinig ko naman ang hagikhik ni Primrose sa tapat ko. Hindi ko siya pinansin. Si mommy ay nakataas na ang kilay habang sinusuri ako.

"H-hindi po..." Tinuro ko si Primrose, "Nag sisinungaling po si Primrose,"

"Kawawa naman si Revamonte dini-deny ng kanyang girlfriend—"

Matalim kong tiningnan si Primrose. Kaya hindi niya na naituloy ang sasabihin. Umiling lang siya habang nakangisi. Buong atensyon na siya muling kumain. Napaka daldal talaga ng babaeng ito! Bakit kaya naging kapatid ko to? Ang hilig mang laglag.

Napatingin uli ako kay mommy. Ibinalik niya ang kanyang salamin. Tumikhim siya at ibinalik ang tingin sa kanyang laptop.

"Kapag meron ipakilala mo muna sa akin," Marahan siyang tumawa, "Tatakutin ko muna para malaman ko kung hanggang saan ang makakaya niya."

Napabuntong hininga ako. Hindi na niya kailangang takutin si Radleigh. Pinagtritripan lang naman kasi ako non. Saka if ever na may relasyon kami ay planado naman yon. Mahal niya ang ex girlfriend niya kaya naisip niya itong arrangement.

"Mommy! Wala pang nagiging boyfriend tong si Siobhan. Hayaan niyo na baka kapag pinagbawalan niyo pa yan ay maging tibo yan," Sabay inom ng kanyang gatas.

"Kapal! Hindi ko lang talaga priority ang magka boyfriend—"

Humalakhak si Primrose, "Kaya pala may nangyari—"

Agad akong napatayo at ibinato ang aking kutsara. Umilag siya doon habang tumatawa. Hinablot ko na ang aking bag at gamit para sa school. Umalis na ako sa dining area ng hindi siya hinihintay. Narinig ko ang pag tawa parin ni Primrose at mukhang susunod na sa akin.

"Ang daldal mo, Prim!" Naiinis kong sambit sa kanya.

Parehas na kami ngayong nasa sasakyan niya. Siya ang magda-drive ngayon. Himala at hindi siya nagdadamot sa kanyang gas.

"Wag mo ngang ikahiya si Radleigh. Full package na siya," Ini-start na niya ang sasakyan, "He's hot and I also heard na siya ang pinaka sikat sa Chevaliers."

Umirap ako at humalukipkip. "Wala akong pakealam sa kanya. Saka ano ba? Bakit ba mas pinaniniwalaan mong boyfriend ko yon? Walang namamagitan samin."

"Uh-huh, one night stand lang talaga?"

Nahilamos ako ng aking mukha. Habang siya ay naririnig kong tumatawa. Masaya siya na ginaganito niya ako. Samantalang ako? Hindi ko siya ginaganito. Hindi ko siya nilalaglag.

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon