Chapter 52 |
Broken heart
"Siobhan! Malelate kana sa school nyan," sigaw ni Primrose mula sa labas ng kwarto ko.
Aligaga kong itinago ang bracelet ni Shane sa bag ko. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng kwarto ko. Pinasadahan niya ako ng tingin.
Ngumiwi siya. "Bakit ganyan itsura mo? Para kang nakakakita ng multo, ang putla mo pa."
"U-Uh, w-wala ito. Susunduin ba tayo... nina Radleigh?"
"Wala siya ngayon sabi ni Shannon. Magkaaway kayo 'no? Ang susundo sakin ay si Shannon, gusto mo bang sumabay?"
Agad akong umiling sa kanya. Gagamitin ko nalang ang sasakyan ko. Nakakahiya rin naman kung palagi akong nakabuntot sa kanila.
"Okay, ikaw ang bahala. Una na ko, a? Nasa labas na kasi siya. Akala ko naman sasabay kana rin samin," ngumuso siya bago ako tinalikuran.
Mahigpit ang hawak ko sa backpack ko. Inilabas ko ang cellphone ko. Ni-isang text message ay wala akong natatanggap mula sa kanya. Nawi-weirduhan ako ngayong araw, he seems off. Ako naman kaya ang unang mag text? Baka nag sasawa na siya palagi ang nag iinitiate?
Nag tipa ako ng mensahe para sa kanya.
Ako:
Good morning! Wala ka raw sabi ni Colleen? Hindi ka pumasok? Please eat your breakfast.Suminghap ako nang lumipas ang sampung minuto. Hindi parin siya nag rereply. Baka busy lang talaga siya. Napapansin ko ang mga efforts ni Radleigh para sa akin. Alam ko, alam kong mahal niya ako.
Pinilit kong ngumiti at pumunta na sa garahe. Nag simula na akong mag maneho. Pero kahit hanggang ngayon, kahit pinipilit kong alisin sa utak ko si Shane. Hindi ko maalis. I need to know... who's the father. Para matahimik ako.
I parked my car when I reached the campus. Dumiretso na rin ako sa first class ko, which is Practical Research. Kaklase ko parin si Drexler sa subject na ito.
Umupo na ako sa bakanteng upuan sa likuran. Sakto rin na pag upo ko ay pumasok si Drexler. Gumagala ang tingin niya sa loob ng classroom, nang magtama ang tingin naming dalawa ay umangat ang sulok mg labi niya. Tumabi na siya sa akin.
"Good morning princess! You look miserable. May problema ba?" tumaas ang kilay niya.
"Wala naman. Hindi lang ako nakatulog ng ayos kagabi."
He nodded a few times. "Sige sabi mo, eh."
Nag simula na ang klase, himala at hindi niya ako ginugulo ngayon. Nang lunch break na ay inilabas ko ang cellphone ko. Wala parin siyang text message sa akin. Pumasok kaya siya? Hindi manlang niya ako ina-update.
Napabuntong hininga ako. Dinala ko nalang ang backpack ko. Hindi ko napansin na pinagmamasdan pala ako ni Drexler.
"Your boyfriend didn't text you now, huh?"
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong ipakita sa kanya na sobra sobra akong nag ooverthink at naaapektuhan.
"Baka busy lang siya sa school works. I understand him. Una na ko, a?" sabi ko at nilagpasan siya.
Bago pa ako makalayo ay hinawakan niya ang pulso ko. Lumingon ako sa kanya. I can see in his eyes that he is some how concern about me. Parang sa segundo na ito, nakilala ko siya ulit. Ang soft ng kanyang features ay muli kong nakita ngayon.
"Are you okay? Don't get me wrong. I hate seeing you with him but I also hate seeing you sad like this," his voice broke.
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako makapaniwala, nasa harapan ko na ba talaga ang bestfriend ko? Ang menacing look niya, naglaho ngayon. He came back.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...