Chapter 41 |
Pizza
"Mama, nakauwi na po ako!" Sigaw ni Radleigh nang makapasok na siya sa loob ng bahay.
Inilibot ko ng tingin ang kinaroroonan namin ngayon. Gabi na ngayon at inabot kami ng ulan ni Radleigh. Hindi na kami nakaabot pa ng base kung kaya'y dumiretso kami rito. Hindi talaga bahay ito e, mansyon ang isang to.
"Lagi mo bang ginagawa yan kapag umuuwi ka rito?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan pa rin ang mamahaling kagamitan at dekorasyon ng mansyon nila.
"Nah," He said and shrugged, "Yesterday I had to sneak inside because I was late."
"Noong umuwi siya ng late kinailangan niya pang kumakatok nang kumatok na parang aso para papasukin ko," boses ito ng isang matandang babae, "Pagkatapos ng ilang oras, napasuko naman ako sa aking apo."
"Well, in my defense Mama, I told you I was going to be late." Pag depensa ni Radleigh sa sarili.
"Anak, three o'clock in the morning?"
I looked at him in disbelief. "Anong ginagawa mo ng three o'clock ng umaga?"
Inilipat niya ang tingin sa akin at agad ding nag iwas ng tingin. Ano kaya talagang tinatago ng lalaking ito? All this time akala ko nasa kwarto niya lang siya sa base kapag ganung oras.
"Just stuff. . ." Tinanggal ni Radleigh ang kanyang sapatos at inilagay sa gilid ng carpet sa may malaking pinto. "If you don't mind?"
Kumunot ang noo ko at magtatanong sana kung bakit. Hanggang sa lumuhod siya sa aking harapan at hinawakan ang paa ko nang napaatras ako sa kanyang ginawa.
"A-Anong gagawin mo?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Ano, mamanyakin na naman ba ko nito?
Inangat niya ang tingin sa akin at ngumisi siya, "Tatanggalin ko ang sapatos mo." Umiling siya, hindi pa rin tinatanggal ang ngisi, "Kung anu-ano kasi nasa utak mo."
"Whatever. . . hindi ba pwedeng nagulat lang ako sa bigla mong pag luhod?" Pang susungit ko sa kanya.
Ibinaba na niya ang tingin sa aking paa. Marahan niyang tinanggal ang sintas ng aking sapatos. Ganoon din ang ginawa niya sa kabila. Tuwing inaangat niya ang paa ko ay ramdam na ramdam ko ang marahan niyang pag haplos sa aking paa.
"H-Hoy. . ." Nahihiya ako sa pag hawak niya sa paa ko! Paano kung amoy imburnal pala amoy ng paa ko?
He chuckled, "Don't worry mabango naman."
Kumuha siya rin sa gilid ng tsinelas na pang loob. Ang laki nito sa paa ko siguro ay tsinelas niya ito rito. Nang maisuot niya ang tsinelas sa paa ko ay tumayo na siya.
Pagkaharap niya pa lang uli sa may pintuan ay may tumama sa kanyang mukha na isang puting tuwalya. Napaatras siya ng kaunti dahil doon. Nanlalaki pa rin ang mata ko habang sinasalo si Radleigh sa kanyang likuran.
Saan nanggaling iyon?
Nakarinig ako ng halakhak mula sa loob. Dumungaw ako at nakita ang kanyang Lola na humahalakhak. Siya ang bumato ng tuwalyang puti sa mukha ni Radleigh!Humagikhik ako habang tinitingnan na si Radleigh na ngayon ay nakabusangot ang mukha habang hawak hawak ang tuwalyang ibinato sa kanya.
"What's wrong with you, woman?" Napabuntong hininga siya at pumasok na.
"Don't talk to your grandma like that," She scolded, pointing a spatula at him. "And you know how I feel when you've gone off painting without at least telling me you were going to be late. Now go wash up, dinner's almost done."
Radleigh grumbled something under his breath then trudged to another room. Naiwan akong nakatayo at pinipilit na ipasok sa utak ko ang nakita ko. Nag angat ako ng tingin sa Lola niya na nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The Black Prince Stole My Bra
Teen FictionSiobhan Imogen Montenegro an seventeen-year-old girl plays a trick on a campus heartthrob, popular-Radleigh Eros Revamonte. Setting up an arrangement to pretend as lovers to make his ex jealous, also using her bra to blackmail her. With the Lost Thr...