Chapter 10: Scary

483 35 0
                                    

Chapter 10 |

Scary

"Freshly baked cupcakes!" Maligayang sigaw ni mommy mula sa kitchen.

Huminga ako ng malalim at pumunta sa kitchen. Tutulungan ko sana siya magbibit non at ilagay sana sa table. Hindi ko sinabi sa kanya yung tungkol kay Riley kagabi. Walang nakakaalam non kundi ako pati yung tatlo. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na sinabihan niya ako ng ganon sa harapan ng maraming tao. Pero ang hindi ako makapaniwala ay ang mga sinabi ko sa kanya.

Wala, e. Pinuno niya kasi ako grrr!

"Siobhan, 'wag na. Ako na to kaya ko na," Sabay bitbit ng tray.

Ngumiti ako, "Mommy naman para namang hindi ka pa nasanay sakin?"

Magsasalita sana siya pero natigil. Tumunog ang door bell at narinig ko rin mula sa second floor namin ang pagsigaw ni Primrose na may tao raw sa labas. Kumunot ang noo ni mommy sa akin. Ngumisi ako at tumakbo patungo sa pinto. Binitawan din ni mommy ang tray at tumakbo kasabay ko. Nakita ko si Primrose na nagsusuklay ng buhok at patungo narin sa pintuan.

I was about to open the front door, but Primrose beat me to it. With a twist of the doorknob, she opened the door with Radleigh standing at the other side.

What the hell? Anong ginagawa niya ng ganitong maaga?

"Anong ginagawa mo dito?" Agaran kong tanong sa kanya.

Nilingon ako ni Primrose at pinandilatan ng mata, "Be good to your boyfriend naman!"

"Sino ka hijo?" Singit naman ni mommy, binalewala ang sinabi ni Primrose sa akin.

Radleigh was wearing his uniform with a varsity jacket over it. He was surprised at first for seeing my mom when she was really expecting me, but he regained himself and smiled at her.

"Hi, I'm Radleigh, Radleigh Eros Revamonte po." He proudly introduced,

Siniko ako ni Primrose mula sa aking tagiliran. Inirapan ko siya nang makita ang nakasilay na ngisi sa kanyang labi. Sige, Prim! Asarin mo lang ako.

Kinuha ni Radleigh ng marahan ang kamay ni mommy para mag mano at hinalikan ito. Halos umangat lahat ng init sa aking mukha. Narinig ko ang munting hagikhik ni Primrose sa gilid ko. Ano bang ginagawa ng lalaking ito?

Sinilip ko si mommy na ngayon ay namumula ang pisngi at ngumiti kay Radleigh. Bumaling naman ako kay Radleigh na nakangisi sa akin. Nanlaki ang mga maga ko na mapagtantong may evil plan siya mula sa mga ngisi niyang yon!

"Oh, ang sweet mo naman hijo!" My mom giggled, "Ano ba ang kailangan mo at naririto ka ng ganitong kaaga? Oo nga pala, just call me Tita Claudine."

Radleigh then looked at my mom, "Gusto ko lang po sanang sunduin ang girlfriend ko..." Bigla niya akong tiningnan, "Si Siobhan po ang girlfriend ko—"

"Oh my God! May ganito palang kagwapong boyfriend ang anak ko." Sabay tingin sa akin ni mommy.

I rolled my eyes, tumingin naman si Radleigh kay Primrose na ngayon ay nakangiti sa kanya. Tumango si Radleigh doon at kinurot naman ako ni Primrose dahil don.

Iisipin ko na may gusto itong kapatid ko kay Radleigh, e.

"Radleigh, come inside." My mom offered. "Sit down and we'll have a chat."

Ngumiti si Radleigh, "Oh well, I love—"

Tumingin ako sa pulso ko kahit na walang relo, "Oh, tingnan mo nga naman ang oras. Kailangan na naming pumasok, mommy." Tumingin ako kay Primrose, "Una na kami ha? Wag kang palate."

The Black Prince Stole My BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon