Paper Hearts
"Wake up flower gem."
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata sa pagkakatulog. Bumungad sa akin ang isang magandang babae. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, makinis na balat, at manipis ang labi. Ang kaniyang buhok ay nabahidan ng kulay kahel na mas lalo pang nagpaganda sa kaniya.Kahit na pumupungas pa ay binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti na agad din naman niyang ibinalik sa akin. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Kasalukuyan pa rin kaming nasa loob ng eroplano.
"We will land after 5 minutes."
Tumigin ako sa bintana sa aking tabihan at tiningan ang labas. Naaaninag ko na ang mga ilaw sa baba. Nagmistulang mga kumikinang mga bato ang mga ito na nagbibigay ng nakakamanghang kagandahan.
Ilang saglit pa ay nakababa na rin ang sinasakyan naming eroplano. Inalis ko ang seat belt sa aking tiyan at inayos ang nagulo kong buhok. Lumapit na rin ang aming manager para sabihing malapit na kaming lumabas.
"Oh. We're here already?" tanong ng isa ko pang ka grupo.
Magulo rin ang kaniyang buhok ngunit hindi nakabawas ito sa kaniyang ganda.
"Oo. Ang tagal mo kasing gumising." sabi naman ng isa pang magandang babae na katabi niya.
Tumayo na kami at isa isang naglakad palabas ng eroplano. Pagkalabas na pagkalabas ay sumalubong sa akin ang pamilyar na simoy ng hangin. Katulad ng dati ay ganoon pa rin ito.
Hanggang sa makababa ay inalalayan kami ng mga assistant. Tanging ang smartphone lang aking dala at ang iba na ang nagdadala ng mga maleta.
"Welcome to Philippines!"bati sa amin ng mga flight stewardess na nakakasalubong namin.
Nginitian ko sila at nagpatuloy na sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang paligid ng airport. Maliban sa mga nadagdag na aparato at bagong pintura ay wala ng ibang nagbago.
"Ayan na sila!"
Naagaw ng aming atensyon ang malakas na sigawan. Nang lingunin ko ay nakita ko ang grupo ng mga taong may kapit ng pamilyar na karatula. Halos mabingi kami sa sigaw ng mga ito na sa tingin ko ay puro mga kabataan.
"We love you our Princess Minnie!"
Nilingon ni Minnie ang mga ito at kinawayan. Mas lalong lumakas ang sigawan. Kahit dito ay kilalang kilala siya. Napangiti ako ng mapakla.
"Thank You guys. I love you too."
"Hye Soo you're so pretty!"
Kumaway ang katabing babae ni Minnie at bumati sa mga fans niya.
"Risa! You're our dancing queen!"
Tumawa ang katabi kong si Risa at kumaway sa mga fans niya.
"Thank you guys!"
"Ambrose! We're very proud of you! Mahal ka namin!"
Nilingon ko ang mga ito sa tabihan. Binigyan ko sila ng ngiti at kumaway. Kumpara sa iba, ay masasabi kong marami akong fans. Siguro ay dahil dito ako nagmula. Produkto ako ng bansang ito.
"Mahal ko rin kayo."
Matapos ang mainit na pagsalubong sa amin ay tumungo kami sa aming sasakyan. Nang makarating ay nagsimula nang magsalita ang lahat.
"Grabe sobrang wild ng fans natin dito."
"Ayos nga Minnie eh. Sobrang warm ng pagtanggap nila sa atin."
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Fanfiction"Dream is more important than love. That's why I did everything to grab a star and replace it by myself. I was longing for freedom and joy. I sacrificed a lot to get the position where I'm in. I chose my dream and leave my loved one behind because I...