Verse 31

152 10 0
                                    

Last Hope

"Ano sa tingin nyo guys?" tanong ni Risa sa amin.

"May mga parte na hindi tayo nagkakasabay sabay. Hye Soo nahuhuli ka dun sa refrain. Ji Yeon hindi marinig yung boses mo. Tapos nawawala ako sa tono sa chorus. Kailangan kong baguhin iyon." sambit ko.

Sumalampak ako sa sahig at humiga. Inulit ni Risa ang recorded video namin ng group performance. Pinaulit ulit namin ito hanggang makita namin ang lahat ng maling makikita.

"Ayos ang boses ni Minnie kaso kulang pa yung sayaw nya. Si Risa naman hindi rin marinig ang boses. Ah ang dami pa naming kailangang baguhin. Paano kaya ito?"

Matapos panuorin ang recorded video namin ng group performance ay ang individual performances naman ang sinunod namin. Kanya kanya kaming bigay ng opinyon sa mga performance ng bawat isa.

"Tama na muna yan. Kain muna tayo." sigaw ni Minnie.

Lumapit si Risa sa kanya at inabot ang dala nitong tray. Tumayo din ako para kuhanin pa ang naiwang pagkain sa kusina. Bumalik na ako sa living room at inilagay ang pagkain sa maliit na lamesa sa sahig.

"Ako na kukuha ng tubig." presenta ni Ji Yeon at pumunta na ng kusina.

Umupo na ako sa sahig sa tapat ng maliit na lamesa. Sa harap ko ay ang mga iba pang miyembro. Dumating na rin si Ji Yeon at nagsimula na kaming kumain na lima.

"Ano kamusta? Masarap ba?" tanong ni Minnie.

"Oo. Sobrang sarap." sagot ko sa pagitan ng pagnguya.

"Kumain lang tayo. Madami pa tayong stress na kakaharapin." sambit ni Hye Soo.

"Anong napansin nyo sa videos natin?" tanong ni Minnie.

"Nawawala sa tono si Ambrose. Mahina at di marinig ang boses nina Ji Yeon at Risa dahil nakapokus sa sayaw. Ikaw naman nakapokus ka sa vocal at laglag ang energy mo. Ako naman lahat ng mali nyo ganun ang sa akin." sagot ni Hye Soo.

Natigilan naman kami sa sinabi nya. Patuloy sya sa pagnguya kahit na tinititigan na namin sya. Nang makitang nakatingin kami sa kanya ay malakas syang tumawa.

"Oh ba't kayo nakatingin sa akin?"

"Grabe ka sa sarili mo." sagot ko.

"Talaga namang sablay ako. Sablay palagi ako. Sa 6 na buwan na magkakagrupo tayo ako palagi ang sumasabit. Tapos nadadamay pa kayo. Di na ako nag imp- ay lintek."

Nag umpisa nang tumulo ang mga luha nya. Nakangiti sya pero patuloy ang pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Hinagod ni Risa ang likod nito.

"Ay lintek. Wag nyo ko pansinin. Nagloko na naman tearglands ko."

"Wag kang mo masyadong i down yung sarili mo Hye Soo. Kahit kami sumasablay din. Ako nga.... Natalo tayo sa challenge position gawa ko... Sorry guys... Aish... Ba't ka umiyak nadamay ako." sabi ni Ji Yeon.

Pati ako ay nadamay na rin sa kanila. Naglaglagan na rin ang mga luha ko. Ilang gabi na kaya kaming ganitong lima? Palagi na lang kaming umiiyak sa gabi. Dahil sa stress sa training.

"Sorry guys. Kasalanan ko din kung ba't tayo natalo sa position challenge. Hindi kasi ako marunong mag rap. Nagkalat ako. Patawarin nyo ako." umiiyak kong sabi.

Binalot ng iyakan ang dapat na oras ng hapunan. Lahat kami ay nagdadalamhati sa klase ng buhay na nararanasan. Dalawang taon. Dalawang taon na akong naghihirap para sa pangarap na napakahirap abutin.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon